Wednesday, November 4, 2009

Pagsiwalat ng katotohanan: Kasangga mo ang batas

akoy may natanggap na Hinaing mula sa taong may problema ukol sa Birth Certificate ng kanyang Asawa.. Sino nga ba ang dapat sisihin? ang mismong NSO sa naturang probinsya o ang di agarang pagasikaso rito.. hindi lamang yun ang hinaing, kundi ang pagbibigay ng pangako ng mga palatuntunan sa telebisyong nagbibigay advice "KUNO" sa mga taong ayaw na gumastos ng malaki para nang sa ganoon e makatok naman ang mismong ahensya ng gobyerno (NSO-National Statistics Office, MIMAROPA) akoy nagpasyang pakinggang ang kanilang hinaing ukol sa problemang ito pati na rin sa panggagong ginagawa ng mga palabas sa telebisyong nagsasabing sila'y tutulong ng walang hinihinging kapalit..

Mga Mayo nang makipagugnayan ang ating complainant sa Opisina ng NSo upang makuha ang Birth Certificate ng kanyang asawa.. ating pagmasdan ang kawalang hiyaang Isinagot ng mga mandorobong tauhan sa ahensiyang ito..

NSO officer: sori ma'am pero hindi na namen pananagutan ang anu mang kawalan ng datus at mga papeles sa opisina namen, kuung inasikaso nyo pa lamang ho yan dati pa lang.. hindi ho tayo ngaun namomroblema..

-Ang tanong.. bakit ganito ang isinagot ng officer na dapat e nakipagugnayan muna sa ibang opisina ng kanilang ahensya.. pangalawa, bakit mawawala ang papeles, sa aking pagkakaalam.. ang bawat taong nasasasakupan ng demokratikong bansa na ito ay may kanyang papeles na nakareserba sa mismong ahensya.. Dumating sa punto na mismong kamag-anak na mismo ng complainant ang personal na nagasikaso sa probinsyang iyon.. pero pilit namang nagmatigas ang mga mandorobo at walang awang pilit na nagmamaktol na di mo alam kung nagpapataba ng tyan at tutulogtulog lang sa kanilang mga lamesa sa kanilang opisina..

Eto na nga, Dumating na sa puntong kinailangan nang magreklamo at magsampa ng kaso at xempre manghingi ng advice sa abugado kasabay ng pagsasampa ng kaso sa regional trial court.. Ang complainant ay may nakitang Advertisement sa telebisyon Channel 4.. palatuntunang meron din sa radyo DZRH.. (Hindi ko na kailangang sabihin ang pangalan ng mismong abugado)

Nitong nakaraang buwan ng Oktubre saktong ikatlong tatlong linggo ng buwan.. sila'y nakipagugnayan sa mismong palatuntunan.. nagpunta sila ng alas-9 ng gabi sa kadahilanang 11:30 magrerecord ang naturang palabas.. nandun din syempre si attourney.. di naman sila nabigyan ng konkretong advice sapagkat ahaw na konting papogi lang yun at pagbibigay lang ng konting payo ang magagawa ng abugado sa konting panahong ieere ang palabas sa telebisyon.
sinabi nalang ng abugado na "Pumunta at bumalik sa kanyang opisina upang makausap ng masinsinan ang nasabing problema..

Nitong nakaraang araw. ang complainant ay nagbalik sa opisina ng abugado sa may Quezon City.. Nakipagugnayan sya sa secretary at tila sya at ako RIN MISMO ay nagulatntang sa kaniyang binalita at nireport sakin.. ang kanilang opisina daw ay may bayad ang paghingi ng advice at xempre hindi natin maiiwasan ang proffessionals fee. "Ito ba ang serbisyong totoo na sinasabi ng programa pag ineere sa telebisyon??

Ito ba ang sinasabi rin ng programa para makaakit ng manonood sa T.V??
Ito ba ang sinasabi ng tao na takbuhan ng nangangailangan dahil sa "LIBRE DAW NA SERBISYONG BINIBIGAY NG ABUGADO??? na manghihingi ng acceptance fee na 30-50tousand pesos??? na sa Public Attourneys Office e makukuha sa 18-20K???

ganyan ba talaga magpaasa ng mga tao na para kumita e ginagamit ang pesteng palabas na ahaw lang ang binabahagi sa manonood!?? sana alam nyo yan.. at sana wag nyong ipamuka sa tao na LIBre ANG SERBISYO NYO SA MGA TAO!

hanggang ngayon eh nakikipagugnayan na ang complainant sa Public Attourney's Office (PAO) para maikasa na ang mga darating na hiring..



storya mula kay jof at mga nakaugnay na tao sa storya.. :)

Tuesday, November 3, 2009

Friday, September 4, 2009

sampung pinaka-nginangata na mabibili sa piso

may mga bagay-bagay na di natin napapansin sa piso (aba malamang iniisip nyo nababaliw na ako kung sabihin kong nkakapalipad ng oso ang piso sa aking bulsa) isa lang ang masasabi ko, "e gago!"

nais kong magbahagi tutal, nandito na ako sa harapan ng aking laptop..

AKOY TUMAMBAY SA ISANG SARISARI STORE.. akoy napaisip, tila ang tindero'y kamuka ni Ka' Mater, ang veterano sa digmaang noong panahon ng Hapon na gnayon'y kasapi ng guardians at nagtitinda ng Tapsilogan sa may Hagonoy, Taguig.. OH Tila akoy napapalayo na sa aking mismong pinupunto..

eto ang mga listahan ng sampung pinakanginangatang tigpipiso sa may tindahan

Snow Bear - Sarap nga namang pakinggan na sa kabila ng kabanguhan at humahalimuyak na pangalan ng candy na ito, e lintek sa anghang ang inyong malalasap, ang iba nagsasabi, perfect combination daw ito sa sigarilyo lalo na kung memphis ang brand, akoy napatawa pero sa kabila nang aking kasiyahan ako'y binatukan ng isang driver na numero unong tumatangkilik ng snow bear.. nung una di ko naintindihan pero, akoy napangiti.. well dahil pasok sa listahan.. OH SNOW BEAR, saludo ako sau XD

Muncher - nakakatawa ang pangalan, sinasabi nang iba pangwowowee ang dating, pati ba naman sa jeep iadvertise, akoy hindi maitatawag na deboto ng green peace, pero nung akoy nakalasap, tila nkaubos ako ng isang pekete.

Lumpia Roll - E putang ina.. sino nga ba naman ang di mahuhumaling sa sarap ng lintek na pagkain na toh.. Naalala ko nung CWTS namen, dahil sa wala kameng magawa sa komunidad, kami ay nagpunta ksama ng aking matabang instik na kaklase, tila akoy nagulantang sa kanyang binili, tatlong Lumpia Roll.. ang cheezy mo pare.. Di na ako nagtataka kung bakit ang mga kabataan ng San Mateo rizal ay malulusog dahil sa Lumpia na toh.. LUMPIA ROLL " certified tsitsirya ng mga tga San Mateo" sabayan mo pa ng tugtog ng "Disconnection Notice" ang pangbayang kanta ng san mateo, ewan ko kung bakit :))

Ding-Dong - isa lang ang naalala ko dito, ang dati nameng baranggay captain na naging konsehal na na si Delio "Ding-dong" santos.. sa sobrang kacornihan ng kanyang themse song sa pangangampanya, mahabang panahon na itoy nabaon sa aking isipan.. "Ting-aking-aling-Ding-Dong" baduy mo pota ka! XD

Hany- aba eto matindi toh, akoy nagtataka kung bakit hindi ito iexport sa ibang bansa..maipagmamalaki naman ito ah, meron akong kaklase ngayong kolehiyo na nabili pa ng isang pakete ng hany para maburaot ng karamihan sa klase. haha

Milky Marie - 75 centavos lang toh, pero sige iconsidera na naatin.. nginangata lalo na ng mga baby na mula dalawa pataas na gulang.. itoy akmang akma lalo na pag sasabayan ng AM, o yung pinapadede galing sa napakuluan ng kanin .. XD saludo ako sayo, marami kang nasalbang kabataang pilipino. :)

Jovi's Nata de Coco - maraming nababaliw sa sarap nito lalo na kung hinihigop muna ang katas sabay dugot sa laman.. "gago di to bastos" :))

kala nyo sampu? maniwala tanga XD

Tuesday, August 4, 2009

Ituloy ang Laban!
















Lasalyano, kita-kita tayo mamayang ika-6 ng hapon para sa VIGIL na alay natin para kay dating pangulong Cory Aquino. Ipagpatuloy natin ang laban.

ANIMO

a message from: DLSU's Committee on National Issues and Concerns

Thursday, July 23, 2009

The WTF Blanket (Blanket ng Masa)



maraming salamat ho ka Nutanyel Vargas para sa pagmumulat ng aking isipan sa totoong Blanket ng Masa.. XD

Monday, July 20, 2009

Ang Tunay na Pagbabago

Mga Kababayan:

Isang mapagpalayang pagbati sa inyong lahat!

Batid natin ang kahirapan sa ating bansa kasama pa dito ang mapaniil at bulok na sistema ng gobyerno. Marami ng bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mabigyan tayo ng anyo bilang mga Pilipino ngunit masakit isipin na tayo ay watak-watak at walang pagkakaisa. Tayo’y nakabigkis sa isang tanikala na animoy sinusunggaban ang ating paghinga at mamamatay ng walang pakinabang.

Ang masang Pilipino ay patuloy na naghihirap dahil sa kakulangan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya na patuloy na umuusbong sa dakong Silangan. Matatalino ang ating lahi ngunit sino ang nakikinabang? Ang isang enhinyero na kulang sa sahod ay mapipilitang iwanan ang lupang tinubuan upang kumita ng salapi sa ibang bansa. Kasama sa pag-angat ng piso kontra dolyar ang pagkawala ng mga matitinong propesyonal. Dapat nga sanang pakinabangan ng masa ang pang-angat ng piso ngunit nakakalumong isipin na ito’y napupunta sa bulsa ng mga buwaya sa gobyerno. Tumataas daw ang antas ng ekonomiya ngunit kabaliktaran ang nangyayari sa lipunan. Pasakit sa mga mamayanan lalo na sa mga ordinaryong manggagawa. Karamihan sa mga propesyonal ay lilisanin ang Pilipinas upang mabuhay na may karangyaan sa ibang bansa. Saan ka ba naman nakakita ng bansa na ang doktor ay nag-aaral ng Nursing upang mangibang bansa? Ang isang abogado ay nagagamit upang ipagtanggol ang kabuktutan.

Ilang dekada pa ba ang matitira upang ang lugmok na bayang Pilipinas ay tuluyan ng mabura sa mapa o tuluyang mawala sa katinuan? Patuloy ang away-pulitika. Maraming naghahangad na mapunta sa kongreso o sa senado na wala namang kaalaman. Ano ang gagawin sa kongreso o sa senado? Hindi nga alam gumawa ng batas pero matapang ang loob upang magsilbi daw sa bayan. Tama nga si Dr. Jose Rizal na hindi sapat ang edukasyon upang magtagumpay, bagkus ay kung paano gamitin ang edukasyon upang magtagumpay. Ilang bayani pa ba sa atin ang magsasabi na tayo ay kailangan magkaisa at turuan ang ating lahi sa pagiging tunay na Pilipino?

Simulan natin ang pagbabago mula sa ating sarili at sa ating pamilya. Ituro natin ang tamang pamamaraan ng paggalang, ang pagpapahalaga sa edukasyon at pagmamahal sa Inang bayan. Kasama dito ang disiplina bilang isang mamamayan. Maraming mahihirap na kung kumalam ang sikmura ay nagnanakaw at sisihin ang gobyerno sa kanilang kahirapan. Ang mga ganid na mayayaman ay dapat makonsensya at magbago na. Mas makatwiran ang magpakain ng tao kaysa sa alagang hayop. Ipairal ang pagmamahal sa kapwa. Ang mga kapilatista na patuloy na namamayagpag sa pagyaman ay supilin na. Hindi pantay-pantay na pamumuhay ang kailangan para sa ating bansa na katulad ng isinisigaw ng mga kumyunista. Kailangan ang pagkakaisa, disiplina at pagmamahalan. Ang mga pulubi na hawak ng sindikato ay karapat-dapat na matigil. Kung ikaw ay isang pulis o militar, ipairal ang batas upang ang bulok na sistema ng bayan ay tumino at magbago na. Ang mga kurakot at mga buwaya sa gobyerno ay bigyan ng matinding parusa na kung kinakailangan ay kitlin ang buhay. Kung ang mismong namumuno ang syang dahilan ng pagkalugmok ng bayan, tayo’y magkaisa upang pangunahan ang tunay na pagbabago.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ang pagpatay ay mahigpit na ipagbabawal sa kautusan ng Diyos. Ngunit sa kasaysayan, ang digmaan ng kabutihan laban sa kasamahan ay nagbuwis ng buhay. Kung ikaw ay isang Kristiyano, mahalin mo ang iyong kapwa at iyong kaaway ayun sa turo ni Jesus. Kung ikaw ay isang Muslim, ang pagpapahalaga sa turo ng Q’uran at aral ni Propeta Muhammad ay iyong sundin. Gaya ng pagpapahalaga sa kapwa at pagmamahal sa kabutihan ang magdudulot ng kapayapaan. Ang Islam ay nagtuturo ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Tayo’y magkaisa para sa isang tunay na pagbabago. Simulan natin sa ating sarili at sa ating pamilya. Maging edukado na may dangal, negosyo at kabutihan sa kapwa.

Gumising tayo kabayan para sa makabuluhang pagbabago ng Pilipinas. Iangat natin ang ating lahi bilang magigiting at matatalinong mga Pilipino. Mula sa ating sarili ay bigyan nating ang pagpapahala ang Inang Bayan. Ang ating gobyerno na puno ng kabuktuan ay dapat magkaroon ng sistema. Maglaan ng salapi at makapagpatayo ng negosyo na magbibigay ng marangal na hanapbuhay sa bawat mamayang Pilipino. Kung ang bawat mamamayan ay may hanapbuhay, sariling tirahan at hindi kapos sa pagkain, bababa ang krimen at mga suliranin ng bansa. Kaming mga OFW ay babalik sa ating bansa upang maglaan ng salapi para sa pag-angat ng bansang Pilipinas. Magtulong-tulong tayo na mabigyan ng sapat na edukasyon ang ating mga anak, kapatid o kababayan. Pagmamahal sa bansa, sa sarili at sa kapwa ang ating pairalin at hindi inggit o pagkamuhi.

Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili dahil mula sa ating sarili magmumula ang pagbabago ng ating bansang Pilipinas.

mga f*ck lang.. este facts XD

In the classical mechanics of a particle one has dynamical variables which are called coordinates (q) and momenta (p). These specify the state of a classical system. The canonical structure (also known as the symplectic structure) of classical mechanics consists of Poisson brackets between these variables. All transformations which keep these brackets unchanged are allowed as canonical transformations in classical mechanics.

In quantum mechanics, these dynamical variables become operators acting on a Hilbert space of quantum states. The Poisson brackets are replaced by commutators, [q,p] = qp-pq = 1. This readily yields up the uncertainty principle in the form ΔpΔq #8805; 1. This algebraic structure corresponds to a generalization of the canonical structure of classical mechanics.

The states of a quantum system can be labelled by the eigenvalues of any operator. For example, one may write x> for a state which is an eigenvector of q with eigenvalue x. Notationally

Alpha Radiation is the emission of an alpha particle from an atom's nucleus. An a particle contains 2 protons and 2 neutrons (and is similar to a He nucleus ). When an atom emits an alpha particle, the atom's atomic mass will decrease by 4 units and the atomic number will decrease by 2 units. Beta Radiation is the transmutation of a neutron into a proton and electron (followed by the emission of the electron from the atom's nucleus ).When an atom emits a beta particle, the atom's mass will not change (since there is no change in the total number of nuclear particles), however the atomic number will increase by 1 (bcoz the neutron transmutated into an additional proton).Gamma Radiation involves the emission of electromagnetic energy (similar to light energy) from an atom's nucleus. No particles are emitted during gamma radiation, and thus gamma radiation does not itself cause the transmutation of atoms, however gamma radiation is often emitted during alpha and beta radioactive decay

Classically, Euclidean geometry was focused on Compass and straightedge constructions. In modern times, geometric concepts have been extended. Geometry now uses methods of calculus and abstract algebra, so that many modern branches of the field are not easily recognizable as the descendants of early geometry.
early geometry.Fellowcrafts receive several admonitions and exhortations regarding the sciences of geometry and astronomy, and many an initiate has wondered just how far his duty should carry him in undertaking anew the study of branches of mathematics which are associated in his mind with much troubled effort in school days.
While some mathematically-minded men may find the same joy in the study of lines, angles, surfaces, spheres and measurements, which the musician obtains from his notes, the painter from his perspective and colors and the poet from his meter and rhymes, comparatively few brethren rejoice in the study of the mathematically abstruse.

Suicide Nation

This is how you commit suicide.

First, you decide that your neighbour is not human,
Worthy only of your contempt.
Having succesfully dehumanised your brother,
You then exclude him from jobs and self-respect,
Stripping his dignity to the raw-bloodied bone.

Next, you go hard - not soft -
And resist his inevitable reaction,
Tightening down the screws,
Destroying all that he believes in,
Showing - in every way -
Your superiority.

Now you realise that you have unleashed a whirlwind,
And are too shame-faced and bolshy to back down.
In your stupidity you must go forever forwards,
Destroying all that is importantFor the sake of your own self-image.

As your soul begins to corrode
Your voice gets ever shriller
And your self-justification ever louder.
Your brother is now causing all your pain,
And therefore it is your brother's fault,
And nothing to do with you.

As you descend into self-contempt
And a louder, brasher outside that hides
The trembling, fearful inside
You elect a hard-faced mass murderer
Who will hide your shame in simple certainties
And loud, heroic deeds.

Now you must destroy, destroy, destroy,
Because there is no backing down from your hardness
Which is your certainty
Which is all that you have left
In an uncertain world.

First you destroy the infrastructure of your brother's land,
So that he must look to you - with loathing -
For jobs and food,
And this in turn feeds your utter contempt.

Then you murder -
Loudly proclaiming your 'war on terrorism' -
All the minor leaders in your brother's government,
Thinking that this will destroy your brother,
When all it does is make every individual
Their own leader.

Finally you destroy all your brother's law-enforcement apparatus,
Thinking this will render him impotent,
When all it does is render you impotent,
For now you have a lawless
Leaderless
Angry mob
With nothing left to lose
Looking down the long barrels of your guns.

Unsurprisingly, your actions have now driven hatred
Deeper
Into the heart of your brother and his family,
And you must now reap
What you have sown.

You can now murder your way
Through every one of your brother's family,
His close friends,
And then his friends across the water -
Or you can sit down and reason.

Unfortunately your leader is beyond reason,
Which is why you elected him (For his moral certainty)
And he would rather destroy his own nation and the world
Than lose face.

Your suicide is nearly complete.
It awaits only the actions of one maddened general,
And then it will be done.

Proposed Income Tax for OFW

Study proposes taxing OFW income

The government should tax income remittances from overseas Filipino workers (OFWs) and use the proceeds to shore up the productivity of workers left behind, a study by De La Salle University's business and economics experts has proposed.The research, titled "The Economic Impacts of International Migration: A Case Study on the Philippines," written by Tereso Tullao, Michael Angelo Cortez and Edward See, said: "The possibility of increasing and internalizing the cost of international migration may be considered to reduce the economic ills it has generated. Such a move can arrest the possible hollowing effects on industries and mitigate the loss in international competition."The study suggested that these same remittance incomes pouring into the country had nurtured dependence, contributed indirectly to the contraction of industries and developed a culture of migration among Filipinos.One way of compensating the country for the loss of migrants who attended government-funded state universities and colleges, the study said, would be to oblige them to compensate for the cost of their education."Another option is to impose some form of exit tax on migrating workers like nurses whose massive exit has affected nursing education as well as the health sector of the country," said the study, which was presented during a recent international forum on labor migration conducted by the National Economic and Development Authority.It acknowledged that the huge amount of remittances sent by OFWs as captured in official central bank statistics and a substantial amount unaccounted for that flows through the various informal channels had contributed significantly to the growth and stability of the national economy in recent years. But instead of alleviating unemployment, it argued that international migration has reduced the demand and supply of labor."International migration has increased the reservation wage of individuals coming from households with remittance income," the research said.The study also said that temporary overseas employment had the potential of depressing domestic industries and contracting employment similar to the consequence of the "Dutch disease," referring to a situation in which dependence on a natural resource could erode competitiveness."The phenomenon of international migration, more particularly, temporary overseas employment, has also reduced self-reliance among individual members of the households. This has been shown in the long-term consumption pattern of households," the research said.It added that the reduced labor force participation of family members with remittance income can be interpreted as another manifestation of dependence.

Friday, July 17, 2009

ITAKWIL ANG MGA ILUSYON AT MISTIPIKASYON!

Pahayag sa taong 2009Para sa manggagawang Pilipino

Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.
Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng "pagkakaisa" at "pagsantabi ng pamumulitika" para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.
Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng "pagbabago ng sistema", "sosyalismo", "demokrasyang bayan" o "gobyernong bayan". Ang komon na linya ng iba't-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido "komunista".
Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.

Marxistang Paninindigan

Kailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.
Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado - ito man ay demokratiko o "sosyalista" - sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.
Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka - ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.
Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa - direkta o indirekta, estratehiko o taktikal - sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang "anti-imperyalistang" pambansang burgesya.
Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.
Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.
Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay "diktadura", "demokratiko" o "sosyalista". Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.
Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.
Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!
Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid - ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo - para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo - internasyonalismo.

MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO,
MAGKAISA!IBAGSAK ANG ESTADONG KAPITALISTA!
IBAGSAK ANG ‘SARILING' PAMBANSANG BURGESYA!

link: http://tl.internationalism.org/node/93

Tuesday, July 14, 2009

Usaping Cha-Cha: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa

Sentrong pampulitikang usapin ngayon ang Con-Ass2 ng mababang kapulungan ng burges na parliyamento. Sinolo ng maka-administrasyong mambabatas ang pagbabago sa kanilang Konstitusyon dahil alam nilang tutol dito ang dominado-ng-oposisyon na Senado.Umani ito ng malawakang pagkondena ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.
May halaga ba sa ordinaryong manggagawa ang Saligang Batas ng mga Kapitalista?
Iisa lamang ang pinakita ng garapalang pagpasa ng HR 11093: isang rubber-stamp ang parliyamento at ang may hawak ng absolutong kapangyarihan ay ang ehekutibo. Hindi lang ito katangian ng rehimeng Arroyo kundi katangian ng LAHAT ng mga rehimeng kapitalista, hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga bansa. Ganito na ang katangian ng estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.Nahubaran ang demokrasya (ie, “pangingibabaw ng mayorya”). Nalantad ang kanyang tunay na anyo: isang tipo ng diktadura ng naghaharing uri. Isang mapanlinlang na anyo ng kapitalismo ng estado.Ang saligang batas ng estado ay walang saysay sa masang manggagawa. ito man ay ang 1987 Konstitusyon o isang bagong Konstitusyon. Ito man ay sa paraang Con-Ass o Concon4. Ang Konstitusyon ng kapitalistang sistema ay para IPAGTANGGOL ang mapagsamantalang kaayusan.Gumawa ng Konstitusyon ang naghaharing uri upang pasunurin nito ang mga pinagsamantalahang uri sa kagustuhan ng una. At ang sinumang lalabag ay parurusahan.Sa loob ng mahigit 20 taon na pag-iral ng 1987 Konstitusyon ay lalong naghirap, inapi at pinagsamantalahan ang manggagawang Pilipino. Ang Konstitusyon na ginawa ng mapagsamantalang uri 20 taon na ang nakaraan ay para ipagtanggol ang bulok na sistema.Kung iniisip man ng naghaharing paksyon na baguhin ang kanilang sariling saligang batas, ito ay walang ibang layunin kundi mas patindihin pa ang pagsasamantala at pang-aapi sa masang anakpawis; mas palakasin pa ang kapangyarihan ng estado na ang tanging papel ay pasunurin ang populasyon at supilin ang mga lumalaban.Ang usapin ng pananatili sa luma o paggawa ng bagong Konstitusyon ay interes ng burgesya hindi ng uring manggagawa. Ang nasa likod ng usaping pagbabago sa burges na KonstitusyonHindi term extension ni Gloria5 ang pangunahing dahilan kung bakit nagmamadali ang administrasyon na baguhin ang Konstitusyon. Ang pangunahing dahilan ay kailangan ng buong naghaharing uri (hindi lang ng paksyong Arroyo) na “i-angkop” ang mga batas ng estado para maproteksyunan ang pambansang kapitalismo na binabayo ng krisis bunga ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo. Kailangan ng burgesyang Pilipino na maungusan ang ibang bansa sa paghahanap ng pamilihan sa pandaigdigang antas; isang pandaigdigang pamilihan na lalupang kumikipot sa pagdaan ng mga araw. Dahil atrasado ang kapitalismo sa bansa (at hindi na ito maging abante pa gaya ng kahibangan ng paksyong Arroyo) kailangan ng pambansang kapitalismo ang “tulong” ng dayuhang kapital (na siya namang ninanais ng ibang atrasadong mga bansa na karibal ng Pilipinas).Kung may nag-iisip man ng term extension ni Gloria (president o prime minister), ito ay ang kanyang mga sagad-saring alagad na lamang. Pero hindi ang buong naghaharing uri dahil para sa kanila, isa ng liability si Gloria sa kanilang paghahari. Katunayan, may mapagpipilian na ang naghaharing uri sa loob ng burges na oposisyon para uupo sa Malakanyang (Roxas, Villar, Lacson, Legarda, Escudero, etc). Kung sino man siya, ito ay walang halaga sa masang mahihirap dahil alam ng huli na ibayong kahirapan lamang ang mararanasan nito anumang paksyon ng burgesya ang uupo sa kapangyarihan.Kung hindi man magtagumpay ang pagbabago ng Konstitusyon ngayon, tiyak na isa ito sa pangunahing agenda ng bagong uupo sa Malakanyang sa 2010, siya man ay galing sa administrasyon o oposisyon.
Kampanya ng oposisyon at Kaliwa kontra Con-Ass
Gaya ng nasabi namin sa itaas, walang halaga sa manggagawa kung baguhin o hindi ang saligang batas ng uring kapitalista dahil hindi naman ito makauring laban nila kundi ng iba’t-ibang paksyon ng kanilang makauring kaaway.Pero nais hatakin ng oposisyon at Kaliwa ang masang manggagawa sa labanan ng kanilang kaaway. Nais ng una na sumali at kumampi ang huli sa isang paksyon ng burgesya. Ito ay kontra-rebolusyonaryong taktika at mapanghati sa uring manggagawa.Malinaw naman ang nais ng oposisyon at Kaliwa: wala silang tutol na baguhin ang kanilang Konstitusyon. Ang nais nila ay sila muna ang nasa kapangyarihan bago ito baguhin. Bakit? Dahil gusto nilang tiyakin na ang kanilang paksyon ang magpapasasa sa pagsasamantala sa masang anakpawis at hindi ang kanilang mga karibal.Ito ang nasa likod ng kanilang kampanyang “kontra Cha-Cha/Con-Ass”. Ang kabilang mukha naman ng kampanyang ito ay ipagtanggol ang maka-kapitalistang 1987 Konstitusyon.Gamit ang radikal na mga lenggwahe at “demokratikong” kahilingan (“Concon hindi Con-Ass”, “Baguhin ang Konstitusyon matapos ang eleksyon sa 2010”, etc), nagsisilbi ito sa kagustuhan ng buong naghaharing uri na maging kapani-paniwala ang eleksyon sa 2010 sa pamamagitan ng paghila sa mas maraming mamamayan laluna sa manggagawa at kabataan na lumahok sa burges na halalan.Ang propagandang term extension ni GMA at hindi matutuloy ang 2010 eleksyon ay gayuma para kabigin ang malawak na diskontentong populasyon na “makibaka” para matuloy ang eleksyon sa 2010 at lumahok sa moro-morong ito. Ang ikinatatakot ng buong naghaharing uri ay kung mawalan ng tiwala ang masang pinagsamantalahan sa eleksyon at mabilis itong mamulat sa rebolusyon. Ito ang pinipigilan ng lahat ng paksyon ng burgesya sa Pilipinas – Kanan man o Kaliwa.Dagdag pa, kasabay ng kampanyang “kontra Cha-Cha” ng Kaliwa ay ang panawagan sa mamamayan na magtiwala sa “demokratikong” katangian ng estado sa halip na ibagsak ito. Sa likod ng linyang “anti-demokratiko” ang kasalukuyang estado ay nanawagan sila na itayo ang demokratikong gobyerno. Ang panawagang “sa halip pagkaabalahan ang pagbabago sa Konstitusyon, dapat ang isabatas ay CARPER, GARB, etc” ay naaayon sa linyang “magtiwala sa parliyamento basta sabayan ito ng presyur mula sa baba”.Radikal na lenggwahe, repormista sa esensya. Ang papel ng kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito ay ipagtanggol ang naaagnas na bulok na sistema. Imposible na itong repormahin pa. Ang kailangan ay ibagsak ito!
Sigaw ng masang manggagawa: Wakasan ang pagsasamantala!
Hindi mawakasan ang pagsasamantala sa pananatili o pagbabago sa kapitalistang 1987 Konstitusyon. Hindi ito ang larangan ng pakikibaka ng uri. Hindi lalaya ang uri kung ang uupo sa Malakanyang ay mula sa kasalukuyang administrasyon, oposisyon o kahit “independyente”. Bagkus, mas hihigpit pa ang kadena ng pang-aalipin.Ang daan tungo sa makauring kalayaan ay ang pakikibaka ng uri para sa kanyang mga kahilingan laban sa mga atake ng kapital; mga kahilingan na araw-araw mismong naranasan ng uri sa loob ng kanyang pagawaan – ang pagsasamantala at pang-aabuso ng uring kapitalista. Hindi ipagtatanggol ng anumang saligang batas ng estado ang makauring interes ng proletaryado at iba pang aping sektor ng lipunan. Ang tanging magtatanggol sa uri ay ang uri mismo. Ito ay wala sa loob ng gobyerno at bulwagan ng parliyamento kundi sa labas – sa lansangan. Mga pakikibaka mula sa depensiba tungo sa rebolusyonaryong opensiba para ibagsak ang estado at mga institusyon nito. Mga labanan na ang direksyon ay itayo ang kapangyarihan ng manggagawa – ang diktadura ng proletaryado.Cha-Cha o kontra Cha-Cha, Con-Ass o Concon: hindi ito laban ng manggagawa. Ang laban ng manggagawa ay wakasan ang pagsasamantala.

(1)Cha-Cha – Charter Change(2)Con-Ass – Constituent Assembly(3)House Resolution 1109(4)Con-Con – Constitutional Convention(5)Gloria Macapagal Arroyo – current president of the Philippines

link: http://tl.internationalism.org/node/98

Makiisa tayong lahat tungo sa pagbabago.. Magtulungan para sa Pilipinas

ito na ang minimithi ng bawat mamamayang pilipino.. minimithi ng bawat isa sa ating bayan, isang mabisang proseso tungo sa pagbabago ng ating pinakamamahal na bansa sa ilalim ng parang Utak Diktador at pasistang gobyerno at sa walng kwentang pamumuno ng napakawalang hiyang presidente na si Gloria Macapagal arroyo..

tayo ay magkaisa, makibahagi at makielam sa pagsasaayos, sa pagbabago ng gobyernong ito.Isulong natin ang pinaglalaban ng magsasaka ng masa laban sa may nagmamayari ng lupa

"I have witnessed the tremendous energy of the masses. On this foundation it is possible to accomplish any task whatsoever." -mao zedong

SAY NO TO CHA-CHA

Monday, July 13, 2009

It's All About Sir Nocanor Perlas


Name: Nicanor Perlas

Birthday: January 10, 1950

Hometown: Ilo-Ilo

Religious Views: Advocate of Inter-religious dialogue, understanding, and peaceful co-existence...


Activities: • Technical Consultant/Resource Person to dozens of institutions including: UN bodies (UNDP, FAO, UNCSD, UNICEF); Government (Office of the President, Senate, House of Representatives, NEDA, DSWD, DA, DENR, and Official Philippine Delegations to the UN and APEC); Donor Agencies (Plan International, HEKS, NOVIB, CIDA, GTZ, others); Civil Society organizations and movements; and Businesses striving for social responsibility


• Plenary Speaker/Resource Person, over 90 global conferences and 140 national conferences • Author, over 500 articles/writings including the international best seller, Shaping Globalization: Civil Society, Cultural Power, and Threefolding


Interests: • Reading books (philosophy, science and technology, psychology, history, civil society, societal change, self-transformation, health, farming, scientific approach to spirituality)• Listening to music: classical, pop and rap music• Watching movies with my son (science fiction, comedy, biography, history, documentaries)• Eating healthy organic vegetarian food• Organic gardening


Favorite Books: • Philosophy of Spiritual Activity, by Rudolf Steiner• Phenomenon of Man, by Teilhard de Chardin• Civil Society and Political Theory, by Cohen and Arato• Theory U, by Otto Scharmer• The New Testament



Favorite Quotations:


• Martin Luther King: “We start to die the moment we stop caring about things that truly

matter.”


• Jose Rizal: “Resignation is not always a virtue; it is a crime when it encourages tyrants; there are no despots if there are no slaves.”


• Margaret Mead: “Never doubt that a small group of thoughtful, committed citizens can change the world. Indeed it is the only thing that ever did.”



About Sir Perlas:


MY VISION FOR 2016 – A COUNTRY REBORN

A prosperous, peaceful, democratic, moral and visionary nation, living in harmony with nature and energized by creative, honest, hardworking, and disciplined citizens, who are aware of their divine origin and purpose and who have united together in sustaining a free, vibrant and diverse culture, a broad-based and inclusive economy, a truly participatory, just and compassionate governance, a clean and beautiful environment, and motivated to positively contribute to world affairs.


PANGARAP PARA SA 2016: MULING PAGSILANG NG ATING BAYAN

Ang pagpapanumbalik sa isang mapangaraping bayan, maunlad at masagana, kanlungan ng kapayapaan at demokrasya na isinusulong ang mabuting kaasalan, at nabubuhay na kaisa ng kalikasan; pinasigla ng malikhain, tapat, masigasig at may pagkukusang mga mamamayan na batid ang kanilang banal na pinagmulan at dakilang layunin, sama-sama't nagkakaisa sa pagpapalakas ng isang kulturang malaya, buhay na buhay, at pinayaman ng pagkakaiba-iba; isang ekonomiyang mapagkupkop at malawak ang sakop; isang pamahalaang tunay na mapanlahok, makatarungan, at mahabagin; kapaligirang malinis at kaibig-ibig, na nagaganyak upang positibong makaambag sa kabuhayan at kapakanan ng buong mundo.


BATAY SA NAMULAT NATING PAGKATAO, TAYONG LAHAT ANG MAGBABAGO NG PILIPINAS! NGAYON!

We are in the midst of a conflict. It is taking place in the battlefield of our soul and in the great institutions of our society. There is no middle ground. Either we align ourselves with what is the best, the highest, and the most dignified in us, or we yield our spirit to the darkness that wants to swallow us through our apathy and inaction. The light of the new Philippines is upon us. We only need to awaken to see the brilliance of its promise. But we need to act together. Only by acting together can we renew our country. Only by acting together can we create a New Philippines, one that we have all been yearning for, one that will make a positive contribution to the highest aspirations of humanity.


Website:



Sunday, July 12, 2009

Pandarahas ng mga Militar sa mga kabataan at matatanda mula sa rural na komunidad

sa pag akyat ko sa kabundukan ng batangas.. nakausap ko ang mga matatandang may sakit.. at hikaos sa buhay.. gusto nilang bumaba ng kabundukan sa kahadilanang gusto nilang magkaroon at madampian ng kakaonting awa ng pamahalaan.. pero sa takot nila na silay mapagbintangan na mga NPA at isalvage sila.. silay nanatili na lamang sa liblib na lugar at meron konting poot sa puso..
yun ba ang tinatawag mong pagmamahal ng mga militar sa mga rural na lugar at mga tao sa nasasakupan ng naturang lugar? kahit mga matatandang babae at mga kabataan di pinapatawag ng kapalpakan ng militar..
nagkaroon ng salo-salo, fiesta at ng sari-saring mga medical mission sa nayon. Nais ng mga kaawa-awang mga pobre sa liblib na kagubatan ng bundok na bumaba para makatikim ng grasya.. pero nanjan ang panganib ng mga berdugong mga militar para silay harangin..
ang tanong? tama ba ang pinapakitang pwersa nila at panghaharang? tama nga ba ang ginagawang diskriminasyon? tama ba ang pagpatay kahit na wala silang alam at naipit lamang sila sa mga unos na nagaganap?
kung ang mga kabataan ay umaakyat ng kabundukan o yung tinatawag ng mga militar na institusyon at pagbibigay kaisipan ng mga rebelde.. tatanungin ko ang side ng militar.. sino ba ang totoong recruiter??? ang mga prenteng organisasyon na ang sandata ay boses at mga flag na winawagayway at mga sigaw na huni ng demokrasya o sadyang nakikita lang ng mga kabataan ang mga kamaliang pinaggagawa ng mga TUTANG BERDUGO NG GOBYERNO?
buti pa ang tulad ko, tumutulong sa mga katulad nila,, buti pa ako, isinasapuso ang pinaggagawa.. di tulad ng mga stupidong gahaman sa ranko.. naguunahan, naguunahan san? sa pagpapagwapo, pagkakapromote.. napunta nga sila ng mga baryo. pero para mangaral. gamit ang mga matatamis na mga pananalita.. pananalitang sadyang malayo sa realidad.. nu nga bang magagawa natin kung ang mga kaisipan na yun e galing sa mga utak talangka nila? OO sa simula nabbrainwash nila ang mga kabataan at pamayanang napupuntahan nila, pero sa huli,, itoy nagigising, namumulat at nasisilaw sa realidad ng buhay.. pagkakamtan ng kalayaan.. at sa oras na nangyari un..
ANO NA ANG SUSUNOD??
eto silang mga militar.. hahayaang pinapaakyat ang mga kaawa-awang mga maralita sa kanilang prinsipyo at hinahayaan itong maniwala sa sariling paniniwala.. pero sa oras na tumalikod ang mga maralita.. pilit itong tinututukan ng ARMAS. AT HANGGANG SA DUMANAK ANG DUGO NA DUMALOY SA damuhan at berdeng mga halaman.. sino ang lalabas na terorista? sino ang lalabas na mamamatay tao?? mga taong nasa taas ng bundok..ang dahilan e pinatay daw ang kasamahan dahil sa itoy traydor daw at anay sa samahan.. pero.. sino nga ba ang totoong mga TERORISTA? ang mga taong gusto ay pagbabago lamang? at baguhin ang paniniwala ng maraming taong naiiba ng landas tungo sa ilalim ng buwayang sistema, mga militar na ang prinsipyo e "patayin ang mga taong nagaalis ng mga buhanging nagtatabon sa demokrasya?" o yung mga taong may propaganda mula sa panulat at gumagamit ng mapayapang pamamaraan.. di natin sila masisisi..
"Erning ihanda mo na ang armas lalaban na tayo, sobra na tama na"
simpleng mga salita.. pero napakalim ng ibigsabihin..
yun lamang ho.. geh

Quotes?

"Trust me Im a Lawyer not a Businessman" -jof

“Let a hundred flowers bloom.” - Mao Zedong

“An army without culture is a dull-witted army, and a dull-witted army cannot defeat the enemy.” - Mao Zedong

“You say, away with you Communists; we say, away with you imperialists.” - Mao Zedong

"The more corrupt the state, the more laws.”

"When I gave food to the poor, they called me a saint. When I asked why the poor were hungry, they called me a communist.”

"For I don't care too much for money, / For money can't buy me love.” - John Lennon

"A man who is not a communist at the age of twenty is a fool. Any man who is still communist at the age of thirty is an even bigger one.”

"Ancient Rome declined because it had a Senate, now what's going to happen to us with both a House and a Senate? "

"Democracy is the art and science of running the circus from the monkey cage. "

"Economics is extremely useful as a form of employment for economists. "

"Here is my first principle of foreign policy: good government at home. "

"Democracy forever teases us with the contrast between its ideals and its realities, between its heroic possibilities and its sorry achievements."

"It is not the fact of liberty but the way in which liberty is exercised that ultimately determines whether liberty itself survives."

"Despair is typical of those who do not understand the causes of evil, see no way out, and are incapable of struggle. The modern industrial proletariat does not belong to the category of such classes. " - Vladimir Lenin

"Freedom in capitalist society always remains about the same as it was in ancient Greek republics: Freedom for slave owners. " - Vladimir Lenin

"Let a hundred Flowers Bloom" - Mao Zedong
"To Read too many books is harmful"

Friday, June 26, 2009

Ignorantia juris non excusat

"hindi mo masasabing mahal mo ang bayan mo kung nakakaranas ka ng kritisismo na ikaw ay isang puppet ng buwayang gobyerno na ignorante sa mga batas pantao.. Para kang isang magsasaka na tuluyan nalang sumusunod sa mayari ng lupa, na lage nalang nasa isip ay ang makakain at mabuhay. may nakikita pa kayang kinabukasan para sa sarili? sa kapwa? at sa bayan? para masabing mahal mo ang bayan mo"

-jof

Saturday, May 9, 2009

Paggala sa pusong siyudad ng Disyerto

kahapon lang, dahil sa wala akong magawa, akoy naglakbay,, agad-agad akong nagbihis..whew ang lamig ng tubig,, haha bweno dun na tayo sa mismong topic ko.. haha
nung nakabihis at nakapaghanda na ako agad kong kinuha cp, digicam, passport, at kung anu pang madadala ko, nagdala na nga ako ng bag e. wahaha

ako'y bumaba at naghanap ng taxi na masasakyan, may dumaan, tinanong ko kung magkano papunta ng city.. actually hindi tagalog pagkakasabi ko.. Indian kasi kausap ko e.. so para maintindihan nila, kelangan pang mag english-carabao pa. well.. nagulat ako sa unang taxi, 3.5KD ba naman ang singil,, xempre ako eto kuripot.. naghintay nlng ulit ako.. may dumating nanaman ulit, singil niya 3.0KD well no choice ok na, kahit 2.5KD naman talaga dapat yung singil..

mejo malayo-layo din yun noh, so mga 25minutes na biyahe siguro.. tangina salita ng salita yung driver na tila indian siguro yung lighwahe.. ako naman .. nakahead-phone.. haha.. pgkarating ko dun.. xempre baba ako.. inuna kong puntahan yung mga bilihan ng computer parts, kelangan ko ng bagong memory.. bibilhan ko yung desktop e.. so ayun, nakalimutan ko tawag, nanghula lng nga ako e. ddr ata yun, ddr2 ah ewan wahaha.. bumili rin ako ng console dun, tapos case ng cp.. tapos dumaan ako ng sportsman bilihan ng mga damit at shoes..

xet may nakita akong Adidas ang lupet ng style.. haha e mukha namang maganda sinukat ko siya, desidido na ako, bibilhin ko xa e. hahaha pero sabi ko size 8 or size 9.. wala daw, konti nlng daw stock nila, malalaking size pa, oh shit .. e d umalis nalang ako..

umupo muna ako sa isang tabi, nakita ko, andameng pinoy.. hehe ang saya.. pero mas madame yung mga indiano at mga arabo.. natatawa nga ako sa mga indiano e. kasi mas mahilig pa pala sila sa chismis kesa sa mga pilipino at mas mahilig sila sa fake na gamit,, kasi bentahan ng mga china phone e, parang nasa sasakyan lng, nakita ko pinagkakaguluhan ng mga indiano.. haha mga gunggong.. halatang mga walang alam at utak..

oh xa. pgkatapos naglakad-lakad ako.. may nakita ako pilipina, muntik nang hipuan ng isang Iranian ata yun.. well nagulat ako pero natawa narin, kasi normal lang yun lalo na sa bansang ito..naglakad pa ako. natatawa ako sa isang arabo na tindero sa mall.. kasi magaling magtagalog.. sabi niya sakin.. "Kabayan, anung gusto?" hahaha potek mabenta ka tsong.. XD

ayun napagod nanaman ako dun ako sa marriot hotel.. pgkatapos nglakad ako tumambay ako sa isang tabi.. wow may fans ako,, may mga tumitingin at ngpapautograph. wahaha ampf.. weee naglakad-lakad ako.. yeah dameng kalapati, parang paris lang ang tema, pero naalala ko nasa middle-east nga naman pala ako..

yeah boi gutom na ako.. may mga pinoy na namimigay ng poster bla bla.. filipino restaurant.. wahaha gusto ko sana puntahan kaso ang layo dude.. ayun nadaanan ko Johnny Rockets burger.. para siyang subway na ganun.. syete solve.. sarap talo pa niya burgerking, or subway.. pati nga presyo talo e.. kakaiyak tuloy T_T wahahaha.. isipin mo isang double rocket burger halaga niya 4KD na.. e d kung sa pilipinas pala yun, 656 pesos na halaga hindi pa kasama yung 1KD na drinks e d 656 + 164 = 820 pesos.. walanjoh yoko na magcompute, masakit sa ulo.. masaya naman kumain kasi puro pinoy yung ngttrabaho dun, kaya naman at home na at home ako.. XD

hahaha binigay na yung bill sakin, buti nlgn card gamit ko, kasi kung ngkataon na cash, bka kulangin at wala pa yung tip.. wahahahaha panu ako mgtitip kung card gamit, aber? loko

ayun nagpalipas ako ng oras, XD umuwi din ako agad, habang sa taxi, salita naman ng salita driver, hindi ko nanaman naintindihan.. haha fota ambobo ng driver.. kasi nakakatulog siya e.. tanga wala.. pag ako naaksidente baka mawalan na ng magaling .. haha

yun lnag.. aking eksplorasyon at paglalakbay..
-jof

Wednesday, May 6, 2009

"Ako Mismo" Campaign

oh ok.. i saw this commercial during the the long telecast of Pacquaio - Hatton Fight on TFC.. I was wondering about it, on "Ako Mismo" Campaign is what for? what the hek right? im definitely curious about it..

so eto na nga, simula nang lumabas ung ads na un.. i was wondering kung bkt ito nilabas? para ba sa kanilang sales? or personal use lng ba? and ang bottom line e.. Smart/PLDT Telecommunication is willing to pay big amount for their loyal users? well ang malala pa niyan e, nasa primetime pa siya, kung saan napakamahal ang binabayad dito..

about their site.. thats ( http://www.akomismo.org/ ) , The concept was nice.. First there's this intro, flash version of the tvc then a small fill in the blank box appear ( Ako Mismo __________ )
I even think very hard on what will I write .. bla bla bla.. and then click ok.. after a moment.. theres another page full of "you need to fill boxes" almost all of them are personal information questions like, age, zip code , adress, birthday and even your own cellphone number, theres also you need to accept the conditions and the agreement then click submit.. after all those stuffs.. you are required to fill ALL OF THOSE BOXES, so I pause for a minute. and check the privacy policy.


AKO MISMO MAY use the personal information you provide to:
• Contact you – either in response to a query or suggestion, or to mail newsletters, documents, publications, etc.
• “Remember” your online profile and preferdnces;
• Help you quickly find information that is relevant to you based on your interests, and help us create site contents most relevant to you;
• Undertake statistical analysis.
They have the right to spam your mail, they can use your personal info w/o your consent, in all of the sites I've been, that required signing up, they let you check the boxes if you want to received newsletters and updates while the "Ako mismo" site will send spam based on your personal "Interest". (I don't Get it, why?, i thought the site is for a cause, why mail nonsense ad?)
What if I don’t want to provide personal information?
Providing personal information on the AKO MISMO web site is optional. If you choose not to provide personal information, you can still browse and use the AKO MISMO site, but you will not be able to carry out certain actions.
Opting out and changing your information
You may cancel or modify your information anytime you wish by returning to the web page where you first provided the information and contacting the focal point for that page.
Do nothing just look the home page, no information about the site about what this is all about, if I sign up, what will happen, even the contact page is only accessible when you are already a member.
Security
AKO MISMO does not sell or share any personally identifiable information volunteered to on the site to any third party without prior consent. Any information provided to AKO MISMO by users of the site is held with the utmost care and security, and will not be used in ways other than as set forth in this privacy policy, or in any site-specific policies, or in ways to which you have explicitly consented. AKO MISMO employs a range of techniques and security measures to protect the information maintained on our system from loss, misuse, unauthorised access or disclosure, alteration, or destruction.
However, AKO MISMO assumes no responsibility for the security of information.
AKO MISMO shall not be liable under any circumstances for damages resulting from the loss, misuse, unauthorized use, disclosure, alteration or destruction of information collected from visitors to the site.
Ang nakakatawa lang dito e, bakit sinasabi nila na all informations are secure. pero they are not liable if the information were leaked.. WTH what the heck right? XD This thing was scared most of the people a lot..
The main conclusion of this campaign, Lots of people believe that this campaign has a potential.. but w/o a proper information to educate people.. It has no real plan or motives.. this is just like a scam of information.
And those information / database will be used to sell to a potential client
potential client = future politicians.. (You know na^^)

Monday, May 4, 2009

A life Changing Moment by Marian

dahil sa wala akong maipost, nilagay ko na pati confessions ng iba.. subaybayan niyo mga confession niya at mga chika na ilalantad niya.. XD

Good Morning and Hello to all who inhabit in this cruel world. Eto ang aking unang blog..... natutuwa lang ako na i announce na may "social life" na ako kasi I met these group of gurlz and boiz na inaccept ako as being the maingay and kikay

Umpisa ang aking story nang lumipat me sa Vito Cruz Station tuwang tuwa ako nung na meet ko etong group of people na taga "doon" lagi ko clang inaabangan sa may Vito Cruz Station pag pauwi na cla after ilan days ng pag sasama namin may napansin ako na isang baklushi kong friend na medyo tinatarayan ako siguro na iintimidate siya sa ganda ko at sa pagiging tunay na babae ko wala kasi siyang kung meron ako....since nakwento ko na rin tong baklang to i enumerate ko na lahat sila.....1. Si Pauline blondie xia, taga U.S. pero marunong mag tagalog 2. Si Byron pero ang tawag namin sa kanya "Botchie" kasi un raw ang gay name nya cya rin pala ung baklang tinutukoy ko kanina 3. Si Dalina chinita raw xia pero d naman mukang chinita FEEL NYA! 4.Si Kim naman maganda at sexy xia pero parang pok pok mag damit chaka medyu tabingi. 5.Si Vince yan ang guy na pinag aagawan namin ni Botchie macho kasi siya gwapo pa ,ARTISTAHIN! 6.kobe at si chester.... nagdududa ako sakanilang dalawa kasi ang lalandi nila sa isa't isa pero sabi nila magpinsan daw sila~weh... halata naman na iba na yun pinaggagawa nila e.... BASTA AKIN SI VINCE!!! MWAH!!!!

Ngayon na kilala nyo na ang aking mga kasama mapagchichismisan ko na sila thru this site :D

prediksyon at plano ko sa pilipinas sa hinaharap

ako bilang isang future leader ng bansang ito.. aking ilalahad sa blog na toh ang aking mga plano, hindi man ito matatawag na plataporma ngunit, ito'y sa tingin ko makakabuti aat makakaunlad sa isang estado tulad ng pilipinas..

nakikita ko na magiging maunlad ang bansang ito sa ilalim ng aking pamumuno..

-masakit man isipin na kelangan nang humiwalay ng pilipinas sa mga walang kwenta o showee na mga organization tulad ng apec at asean..

mahirap isipin un d b? subalit makakabuti un sa kadahilanang ang mga parter organization na ito ay katumbas lamang ng isang moro-moro o huwad na palabas, ibig sabihin huwad na mga plano na kunyari makakatulong sa mga maliliit na bansa subalit, mga malalking partner country lamang ang makikinabang..

-magkakaroon ng halalan once a bluemoon kung gustuhin ko man, ito ay magandang sistema... itoy tatawaging (bluemoon system)

ito ay ung tinatawag na pagbabalasa ng mga gabinete sa ilalim ng aking pamamahala.. marahil naiisip niyo na pansariling kadahilanan ko ito. nagkakamali kayo jan.. ito'y para magkaroon ngoverall unity sa gobyerno..at pag nagkarron ng destabilisasyon, ito'y hahayaan at magkaroon nlng ng emergency poll, voting system na siyang mgdedecide kung nasa huwisyo pa ba at makatarungan ba ang ginagawang pamumuno, kung anu man ang maging resulta ng gagawing halalan e, yun na rin yung magiging final na mga magiging gabinete.. simple lang un, walang karapatan ang mga tao kahit sabihin natin na demokratikong bansa tayo.. sabihin na anting immoral ang mga ordinaryong tao sa aspetong ito.. kaya napagdesisyonan na ang presidente ang magiging sentro ng kapangyarihan sa bansa na toh..

- aalisan ng kapangyarihan ang kamara at kikilalanin ang presidente na mamumuno sa ehekutibo, lehislatibo, hudikatura..

gagawin ito at aalisan ng kapangyarihan ang kamara upang maiwasan ang paghahating paniniwala sa pagpapasa ng batas, kaya .. upang maiwasan ang paglalaban ng mga ideolohiya.. ang siyang mamumuno na ang siyang tagapagpasa, at gagawin lamang ang kongreso bilang isang adviser at isang tgasaayos na lamang upang hindi magkaroon ng kalituhan sa mga tao kung ano nga ba talaga ang papaniwalaan.

- at para sa demokrasya, magkakaroon ng demokrasya subalit ito'y limitado lamang..

ang ibig sabihin naman nito ay, magkakaroon ng control ang gobyerno sa demokryasyang ng bansa. lilimitahan ang paglathala sa mga pahayagan na nakakasira at mkkpagbrainwash sa mga paniniwala ng mga mamamayan.. sa unang panahon ng aking serbisyo, pipilitin kong gawin itong batas-militar upang maramdaman ng mga tao ang presenxa ng aking gobyerno.. dahil sa lubusan kong pagmamahal, aalisini ang mga investors o yung mga kapitalista, at bahagyang magkakaroon ng kahirapan sa mga unang bwan, subalit matapos ang mga panahon na un, ipapatupad ko ang sistemang equally shares of deed of sales and salaries..

-equally shares of deed of sales and salaries..

magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa kategorya ng pananalapi, bawat tao ay may quota o dapat sundin na % ayon sa patakaran ng aking gobyerno.. bawat tao ay kelangan magtrabaho, ang mga taong nasa mababang estado ay mgkakaroon ng 10% na bawas o tax at 5% para sa benepisyo.. at para sa mga may kaya ay aalisan ng 20% at 5% din na benepisyo.. ang mga OFW naman ay lalagyan ng 15% tax at ang pamilya nila ang pagkakalooban ng benepisyo. sa ganitong sistema magkakaroon ng isang kagawaran kung saan sila ang bahalang ipantay ang naiipong salapi ng gobyerno na nagmula sa ESDS-TAX at itoy equally na ibahagi sa lahat, sa ganitong paraan, magkakaroon ng pagkakapantay-pantay.

-2 child poliscy

sa ganitong paraan, maiiwasan nating ang rapid population growth at ang pamilyang mgkaroon ng lalagpas na anak dito ay ipapasok sapilitan sa pangangalaga ng DSWD na ibabase sa kalayaan group of island upang gawing 25% dito ay magiging propesyonal 25% dito ay ilalagay sa pangangalaga at ililipat sa pakikiupagtulungan ng canadian embassy, at mabibigyan sila ng benefits sa canada. at 50% sa nasabing mga kabataan ay ittrain upang ilagay sa sandatahang lakas ng pilipinas.. at sa ganitong dahilan mababawasan na ang mga taong lumuluwas sa ating bansa upang mgtrabaho..

-mula sa pagiging batas-militar patungo sa isang transition government

sa ganitong paraan, meron nang sapat na disiplina ang mga tao at well educated na sila sa bagay at mga aspeto na tila gobyerno lang ang may karapatang makielam.. magkakaroon ng transition government upang maiwasan ang destabilisasyon at maalis ang luma at bulok na sistema kung saan may botohan pa..

- lalagyan nang tax ang mga establishimento na nagmula sa ibang bansa

sa ngayon wala silang TAX, tulad na lamang ng Ateneo at Lasalle.. wala silang TAX, pero anglaki ng kanilang income.. hindi sila pwede pakielaman ng gobyerno sa kadahilanang sila ay mga paaralang jesuit at dominicano.. sa pamumuno ko,, aalisin na ang batas na ito at sila ay obligado na magbayad ng buwis sa bansang kinatatayuan ng kanilang institusyon.

-bawat lupain sa bansa ay magiging pagaari ng gobyerno

akala mo ba ay pangit tong batas na ito? nagkakamali ka ulit jan,, dahil sa batas na ito, magkakaroon ng pagkakataon ang bawat isang pilipino na makapagpatayo ng kanilang establishimento.. at sa bawat 25yrs na itinatagal ng isang ginawang establisyimento, itoy ipapagiba at ibibigay naman dun sa mga taong walang kakayahan na magpatayo ng kanilang tahanan at ito'y sa tulong ng magaling na presidente na si jofran.. XD

WAHAHAHA

Monday, April 27, 2009

Lakas Uhaw Energy Drink

well, isa itong nakaktuwang commercial hango sa power thirst ng ibang bansa.. itoy ginaya lamang ng mga pinoy, subalit itoy bentang benta.. BENGGGAAAA!! XD



PSSSST!

HOY!


GUSTO MO BA MAGING SOBRANG HYPER!?


SUBUKAN MO TOH!
Power Thirst Pictures, Images and Photos
LAKAS UHAW!!! XD ~ ENERGY DRINK PARA SA MGA PINOY na kelangan ng
strong Pictures, Images and Photos
"KAHINDIK HINDIK na dami ng LAKAS!
na may flavors tulad ng:
ADOBO Pictures, Images and Photos
BADOBO!!!!!!!
adobo na gawa sa BABOY NA TAGA TONDO..
TUMAWAG KAU NG TULONG DAHIL makakaramdam kau ng
"DI NAKAKATUWANG KALAKASAN!"
ANO!? GUSTO MO NG SINIGANG?????
sinigang Pictures, Images and Photos
???????????????????????
meron kameng:: SINIBANG (SINIBEYNG!)
gawa sa RAPIDS..
the rapids Pictures, Images and Photos
LITO RAPIDS..!! XD
lito lapid Pictures, Images and Photos
S P O R T S ? ? ? ? ? ?
Roar! Pictures, Images and Photos
ROAAAR!!! XD GAGALING KA DUN!!
LALAKAS! LAKAS UHAW!!
hindi lang toh bastah fun..
KA-PUN-YARIHAN! XD
MANNY
the champ!!! Pictures, Images and Photos
PACQUIAO
MANNY
the champ!!! Pictures, Images and Photos
PAQUIAO
MANNY
the champ!!! Pictures, Images and Photos
PACQUIAO
BOXINGERO!
KATIPUNERO!
BASAGULERO!
ASERO!
Codename: Asero Pictures, Images and Photos
MANERO!
daddy kung kalbo Pictures, Images and Photos
SOBRANG DAMEnG ERO!
na DI MO NA MAKAKAYANAN! XD
sa sobrang BILIS NG IKOT NG KALIKASAN!
Solitude Pictures, Images and Photos
BABAGAL!!
AT MASASABI MONG
T*#$ %^& MO (TANG-INA-MO!)
AT MAKAKATIKIM KA NG:
ASIAN MAN MANNY PACQUIAO PACMAN ERIK MORALES EL TERRIBLE BOXING FIGHT WHITE GIRL Pictures, Images and Photos
(PACQUIAO PUNCH!)
SOBRANG LAKAS NITO!!
Roar! Pictures, Images and Photos
(ROOOAAAAR)
LAKAS!
Roar! Pictures, Images and Photos
(ROOOAAAAR)
SUMISIBAK PARAT!!
SUMISIBAK!
NAGWAWASAK!
NAGTUTULAK!
NANGUUPAK!
NAMUMULAKLAK!
NANGANGANAK!
NANGANGANAK NG:
SAMPU
Gangster Baby Pictures, Images and Photos
APAT-NA-DAANG
SANGGOL!
Gangster Baby Pictures, Images and Photos
BIGYAN MO SILA NG BADOBO!
at LALAKAS SILANG UMINOM
at magiging
ABNORMAL NA TOMADOR!!
Gangster Baby Pictures, Images and Photos
TUTUNGGA SILA NG GINEBRA
ginebra Pictures, Images and Photos
Gangster Baby Pictures, Images and Photos
MAKAKATATLONG BILOG SILA NG GINEBRA!
ginebra Pictures, Images and Photos
MAMAYA MAY APAT NA LONGNECK NG GINEBRA!
ginebra Pictures, Images and Photos
WALANG CHASER PURO GINEBRA!
Gangster Baby Pictures, Images and Photos
HANGGANG SA MADROP-OUT SILA AT MAGLARO SA GINEBRA
Brgy Ginebra Pictures, Images and Photos
XD
HOY! DITO KA NA SA SIGURADO AT SUBOK NA!
Power Thirst Pictures, Images and Photos
LAKAS UHAW ENERGY DRINK!
WAG MO NA ISUSUGAL ANG LAKAS MO!
punch Pictures, Images and Photos
BENGGA!!!! XD
SUBUKAN MO NA TOH
LAKAS UHAW!!
Power Thirst Pictures, Images and Photos
na pag natikman mo ay:
Roar! Pictures, Images and Photos
ROAR!!

Saturday, April 25, 2009

Comedy English Night

Likha ng aking kamagaral na si Pagong...
(hango sa totoong usapan sa YM ng dalawa kong magaaral)
eto ang takbo ng storya!.. XD
haha so nag pepeysbuk ako at biglang nakita q kumuha c jerick ng how well do you know women tapos nakuha nya 75% so nag comment aq ng ewww 75% lang ako 100% tapos nag ka gulo at nag english ako para matapos na pero lumaban cya nag english! ay un d q naintindihan ang english nya at nag IM ito ang usapan
eto naman yung exact na napagusapan nila
BUZZ!!!
Kenneth Lee: binura mo ung comments?
jerick paguio: oo
Kenneth Lee: haha korni
Kenneth Lee: bkt mo binura
Kenneth Lee: hahah
jerick paguio: bakit ka nakikialam?
jerick paguio: nagcocoment ka lang naman eh
Kenneth Lee: KORNI MO!
Kenneth Lee: napahiya ka na noh
Kenneth Lee: wahahahah
Kenneth Lee: kaya dinelete mo
Kenneth Lee: haha
jerick paguio: ano kinalaman ng kakornihan sa napahiya?
Kenneth Lee: hahahaha
Kenneth Lee: sabi q ang korni mo
Kenneth Lee: comma
Kenneth Lee: hahahah
Kenneth Lee: siguro napahiya ka na kaya mo dinelete
Kenneth Lee: hahaha
jerick paguio: wala kaya comma
Kenneth Lee: e d space!
Kenneth Lee: or enter
Kenneth Lee: anu ba yan
Kenneth Lee: hahah
jerick paguio: ! kaya naka lagay
Kenneth Lee: tae na anu ung cinomment mo d q maintindihan
Kenneth Lee: hahaha
Kenneth Lee: your not making them happy it knowing women not making them happy dumbass!!!
Kenneth Lee: d q gets
Kenneth Lee: hahaha
jerick paguio: bobo ka kasi
Kenneth Lee: ulul
jerick paguio: tatagalugin ko na lang kawawa ka naman
Kenneth Lee: your not making them happy it knowing women not making them happy dumbass!!!<-------naintindihan nyo ba 2 sinabihan kasi aqng bobo eh gusto q malaman qng bobo talaga aq
jerick paguio: di naman kasi tungkol sa pagpapasaya ng babae yung test tungkol siya kung gaano mo kakilala yung mga babae di kung paano pinapasaya bobongpwet
jerick paguio: hahaha
Kenneth Lee: doing the test only shows how well do you know women not how to make them happy
Kenneth Lee: yan ata ung sinasabi mo
Kenneth Lee: hahahaha
Kenneth Lee: BOBO
Kenneth Lee: steffi caunga: nah.
Kenneth Lee: Show Recent Messages (F3)
john_carlo001: it knowing women?
john_carlo001: ha?
Kenneth Lee: michael go: hahaha
michael go: anu yan?
michael go: haha
Kenneth Lee: bianca samar: wait
bianca samar: cno nagsabi nyan?
Kenneth Lee (4/19/2009 9:11:06 PM):
Kenneth Lee: aq pala bobo ah!
Kenneth Lee: hahah
jerick paguio: bakit alam ba nila ano pinag uusapan
Kenneth Lee: Kenneth Lee: ang meaning nun d nila na intindihan ung english mo
Kenneth Lee: hahaha ne x send aq
Kenneth Lee: john_carlo001: it knowing women?
Kenneth Lee: d nya na gets ung english
jerick paguio: its kasi dapat yun
jerick paguio: its knowing women
jerick paguio: hahaha
Kenneth Lee: TSK
Kenneth Lee: wrenz wilyam go: nakakabobo ung cnbi ni jerick
Kenneth Lee: hahaha
soooo ang nanyari nag GM aq sa lahat ng contacts q na kilala c jerickito ang Gm q
di naman kasi tungkol sa pagpapasaya ng babae yung test tungkol siya kung gaano mo kakilala yung mga babae di kung paano pinapasaya bobongpwet<--- tagalog version
your not making them happy it knowing women not making them happy dumbass!!!<--english version
by jerick (ako pa raw ung bobo!!)
ang reply ng mga tinanungan na mga dalubhasa, at ito ay yung mga sagot nila:
huh?
nah!? (smiley face ay mali laughing face pala)
LMAO by nate
ha? it knowing women?
nakakabobo ung cnbi ni jerick by a jubilee person in CS
waste of time yan dont argue with him
WTF
and finally
cnu nag sabi nyan!! wahaha
so you know nagkagulo dahil sa wrong grammar na pinag laban =))
kaya next time qng mali ka tama na accept nalang :D
(KAYO? NAIINTINDIHAN NIYO BA?? 99 din b IQ NYO?) LOL
by: pagong

Friday, April 24, 2009

Ang kaawa-awang Bata na si Henry

First year highschool pa lamang ako noon nung akoy may mapansin na maliit na lalake sa kabilang room, siya ay taga kabilang section.. napapansin ko ang angas niya at maingay na pagbubunganga.. Sa kabilang banda, napansin ko naman na siya ay sobrang nakakatawa dahil sa mga biro niya na may bahid ng madudumi at berdeng pagiisp.. Siya nga pala, ipapakilala ko muna siya.. Siya nga pala si Henry.. Naaalala ko pa nga noon ee, isa xang malibog na bata.. nakatabi ko siya sa MTAP.. at panay mahahalay na salita ang lumabas na salita sa kanyang lintek na bunganga..

Akala mo sa sila ay tila isa siyang siga sa kanto na napakaangas.. Ubod ng tapang ang mga mata, lakas pa maghamon.. XD .. Dumating ang 2nd year at kame ay naging kamag-aral.. tila isa siyang tahimik na basang aso na nahaupo sa sulok nung unang mga araw.. at pagkalipas ng madami pang araw, kung ano-ano nang mga kabanuan at kabilwan ang pinaggagawa niya. Isa na roon ay yung pangaasar niya na ABNO si matthew (hindi tunay na pangalan) at pangaalipusta sa utak ni John Richard.. (Akala mo napakataino niya XD)

hindi pa doon nagsimula ang kalbaryo ni Henry..

Marahil nagsimula iyon nung kame ay humantong sa 3rd year hisghschool kung saan nagsimula ang bangungungot ni henry.. maraming pangyayari doon ang gumimbal sa walang kamuwang muwang na isipan ni henry.. dahil sa sunod-sunod na pang aasar niya kay matthew.. braso de marcedes ang natikman niya dito..

Naalala ko pa nga yung mga panahon na inasar ni Henry si Matthew, Alam nyo ba kung bakit?
Halinat sundan at basahin ang pangyayaring ito..

tandang-tanda ko pa habang nagrerecite sa harapan ang kamagaral namen na sira-ulo daw sabi ni henry. eh at dahil sa talas na rin ng paningin ni henry sa mga bagay na nakakatawa..

(habang nagrerecite si Matthew)
Henry: WAhaHha Grandpah!

(ang akala naman namen ay may nasabing grandpah si matthew o sadyang mukha lang siyang gradpah.. paulit-ulit ito binigkas ni henry)

Grandpah! ahaha granpah

tila nainis si Matthew at bumalik sa lintik nitong upuan at napatungo nlang..

AHH. KAYA PLA.. XD

sa Tshirt na suot-suot ni matthew ay may nakasulat na malaking GRANDPAH sa ilalim.. ito'y sobrang nakakatawa, dahil mukhang galing sa ataul na sa sementeryo ng kanyang grandpah galing ang T-shirt na suot-suot ni mattthew..

Lumipas ang mga buwan a walang tigil sa pangaasar si henry ng grandpah.. at hanggang sa napuno ang kamag-aral nameng baliw, siya ay nakatikim na ng upak na malupit.. mangiyak-ngiyak siya sakit, tila parang ginulpi ng abno na barter sa BICUTAN o parang sinunt0k siya ng isang bandidong nakaupo sa kagubatan..

siya ay nanahimik.. subalit sa tuwing magkaklase nalang kame, palage siyang natawa na parang sinto-sinto.. tama kasyo sa naiisip nyo, isa siyang intelehenteng bata.. sa totoo nga nyan magaling siyang commentator sa mga guro na nagtuturo saamen..

(Lumipas pa ang mga araw)

Nagkaklase kame ng MAPEH nun.. Tila may tinatawanang animal si henry na sobrang sama ng muka parang bakulaw.. aba.. tawa parin siya ng tawa. e napansin siya ng aming guro..

GURO: HENRY! Anung tinatawa-tawa mo jan? Gusto mo mapalabas?

Henry: wahhahaha (hnd pa natigil)

Guro: oh ano yun?

Henry: Eh kasi poh.. wahahaha may nakita po akong balls.. sobra sa halakhak ang hayop na tila wala nang bukas..

(yung balls pala na yon ay nakita niya mula sa butas na pantalon ni matthew at siguro sa sobrang higpit ng brief nito, lumitaw na ang nakakaalindog nitong itlog.. )

marami na rin nagawa si henry sa panahon na yon, naalala pa nga namen e.. ginagawa namen si henry bilang tga simula ng away..

pinaflood namen si matthew at inutusan namen si henry..

hahaha wala naman magawa si matthew dahil sa higpit ng barikada at depensa sa kaawa awang si henry.. agad namen siya nilabas para mga tao na sa loob ang bahalang umaksyon kay matthew.. umbagan na humahataw sa eskapo ang eksena doon, subait sa susunod na episode ko nalang ikkwento..

Dumating na ang Ikaapat na taon ng aming Highschool.. graduating na kame.. kaklase ko parin si Henry..

Hndi maubos talaga ang tawa ni Henry.. pero sa tuwing tinitingnan siya ng masa.. para na siyang berdugo na naging maamong tupa.. mukha siyang basang bulldog na nalapit ng sampung beses sa bingit ng kamatayan..

nung mga panahon din na yon, dumating ang totoong hamon sa buhay niya, isa na doon yung pangaapi at pagsasadista sakanya.. Ito ay iba sa mga naalala ko lang.. Dahil sa kamal na bakal ni fred, at umaatikabong suntok ni jorence..

-minsan inuuntog siya sa black board
-pinapatikim o ginagawa siyang punching bag ni Brandon Vera
-kasparing ni Joaquin Bordado
-tila isang mahinang wrestler na pinepedigree ni Triple-H
-binabato ng sagot gulaman na sa huli ay tila siya pa ang magsosorry
-mahina sa takbuhan kaya sa tuwing may tapos na kumain ng siomai ay siya ang nataalsikan ng toyo nito
-nakakatikim ng raider kick
-sample kung gaano katibay yung baseball bat
(mdame pa e. kaso inaantok na ako)

isa lang ang kinakatawanan ko.. yung relihiyon niya na pag sumali ka daw doon. ilulubog ka ng pastor sa isang maliit na bathtab at ayun, kasali ka na, para kang pilandok na kumakain nd darobong damo na sinamahan ng sabaw ng danggolo..

Wednesday, April 22, 2009

Buwaya Buwaya, Nasaan ang Hustisya?

Hnd na uso sa Pilipinas ang salitang Buwaya.. marahil ito ay isang hayop na sugapa oh kukunin anu man ang kanyang gugustuhin, kawawa ang biktima lalo na kapag kanya itong inalipusta, marahil napansin nyo rin siguro na kapwa nya buwaya ay galit sa kapwa din buwaya.. napagaralan din natin na, kapag nangitlog ang buwaya ay inilalayo nila ang mga itlog sa kanyang ina sa kadahilanang itoy kanyang walang habas na pagkakainin.

subalit, sa pinoy na katulad mo? ano ang nasa isip mo sa salitang ito? Pwes maraming salitang napasok sa isipan nyo, pero, alam ko na pare-parehas lang kaulugan nyan.. KURAKOT! KURAP! SUGAPA! UHAW SA KAPANGYARIHAN! ito ay iba lamang sa mga salitang nagbibigay kahulugan sa salitang buwaya.

Sinasabi nga ng iba na ang Pilipinas ay pinamumunuan ng mga KURAP!, at kahit nasa Administrasyon? o Oposisyon Pareho lang yan. Pwes tama na ang SISIHAN. dahil kahit na anu pang gawin, wala din mangyayari, tiyak na mananatili lamang ito sa bulok na sistema aw walang magbabago sa ating Lipunan. Ako'y nagtataka, Wala nga ba talagang pag-asa?

Marami tlgang mga pilipino ang Naghihirap,mga maralita, mga kaawa-awang dukha na uhaw sa TAMANG HUSTISYA. Madami ang nakulong. Ngunit wala naman tlgang kasalanan. PANU NANGYARI YON!?

Marahil ay tuluyan nang nilamon ng makasariling hangarin ang mga MAPAGLINLANG NA MGA PULITIKO ang mga utak nating mga pilipino. O marahil din ay sadya tayong TANGA o nagpapauto din naman talaga ang mga noypi.? Lahat naman ay may pangarap at may kagustuhan na umasenso e. pero sa kabilang banda, lahat ay meron pangsariling hangarin na nakakasama at nakakasira sa magandang kinabukasan. TAMA NA ANG KURAPSYON dahil LAHAT NAMAN AY KURAP.. BUWAYA! oh anu pa masasabi mo ngayon!?

Sabi ng mga matatanda ang mga kabataan daw ang pag asa ng bayan at ang EDUKASYON daw ang totoong sandata at nagsisilbing susi para sa KINABUKASAN at makaahon sa kahirapan, pero alam nyo ba? LOKOHIN MO ANG LELANG MO. KALOKOHAN LANG YAN!. Magkano na ba ang matrikula? tulad nga ng sabi ng iba, OO! Ang Edukasyon ay para lamang sa mga Mayayaman. Magkano na ba Tuition sa UP? at sa iba pang mga State Universities? Grabeh ang mahal.. KURAPSYON NGA NAMAN TALAGA OH! pag ikaw ay nakapagtapos sa probinsya, para kang maghahanap ng bato sa buhangin at nagsisiksok ng sinulid sa karayom na may.01 na butas, sabihin na natin na, OO, WALA KANG CHANSA SA MAYNILA lalo na at kasabay mo gumraduate ang mga nagsitapos sa mga nanggaling sa mga sikat at bigatin na mga paaralan.

ANG HUSTIYA AY PARA LAMANG SA MAYAYAMAN. PANO na ang mga dukha, hampas lupa, oh mga kapos palad? Tigilan na natin tong KALOKOHAN NA TOH.. magtulungan tayo para mabago ang bulok na sistema ng mga buwaya! AKALA KO BA Philippines is a christian country? E BAKIT KURAP!?!???! PAGANO NA SIGURO NGAYON ANG MGA PINOY at tumalikod na sa tunay na dyos, kaya tayo nagkakaganito. Hindi na diyos ang sinasamba ng mga tao kunghindi yung kanilang mga sarili din, mga taong immoral at uhaw sa mga papuri. Ang sinusunod ay pansariling interes, imbes na sumunod sa naisin ng dyos. Manumbalik ka kaya sa dyos ng malaman mo? ANG BAWAT ISANG PINOY, TAYONG LAHAT……. UPANG MAGKAROON NG PAGBABAGO SA KABILA NG KURAP NA KALAGAYAN AT BULOK NA SISTEMA!

TUNAY NA MAKABAYAN

MASAMA BA MAGHAYAG NG SALOOBIN SA BANSA NATING LAHAT AY MAY KALAYAANG MAGPAHAYAG???

Sino ka para husgahan ako? Ginagamit ko lamang ang aking karapatan bilang isang PILIPINONG MAY MALASAKIT SA BAYAN. Palibhasa’y ika’y walang pakialam sa mga nangyayari sa ating lipunan. Mananatili ka na lamang ba sa iyong DUWAG NA KALAGAYAN? ANG BUNTOT MO’Y IYONG BINABAHAG!

Laganap at malinaw sa mata ng mga mamamayan at maralita ang mga nangyayaring tiwali sa ating lipunan, bakit hindi ka magsalita? tumatahimik ka lamang at tila ba’y WALANG CONCERN SA BAYAN. Gamitin mo ang iyong karapatan! Kung ika’y inaapakan matuto kang umaray, kung ika’y inaabuso matuto kang magreklamo, kung nakikita mong bulok ang sistema magkaisa tayo na magkaroon ng magandang sistema para sa ikauunlad ng ating bayan. WAG KANG MAGBULAGBULAGAN!

Sa bawat isang PILIPINONG nagsasabing may CONCERN SA BAYAN subalit BULAG NAMAN SA MGA ISYU NG LIPUNAN, isa kang HANGAL (LOKOHIN MO ANG SARILI MO)! Dahil kung talagang tunay kang concern, WAG KA MATAKOT MAGPAHAYAG NG IYONG SALOOBIN. Sa ganitong paraan, makakatulong ka sa bayan at maging sa ating mga kababayan.

Nais kong imulat ang isipan ng lahat ng ating kababayan, HINDI PO MASAMA ANG MAGPAHAYAG NG SALOOBIN, ang masama po ay ang PAGBUBULAGBULAGAN SA MGA ISYU SA ATING LIPUNAN.

Ang tunay na pagiging makabayan, ay pagmamalasakit sa ating bayan.

-jof

Tuesday, April 21, 2009

Puppet ka rin ba?

maraming bagay na ang aking nagagawa

ngunit ang isang tula ay hindi ko magawa

pagkat puso ko’y tigib ng luha

at pagkatao ko’y dinayukdok ng dusa.inihagod ko na ang tinta,

sa papel na walang bahid dusta

pero bakit ayaw pa rin lumaya

ng damdaming nais lumigaya.

a, alam ko na,

kamay ay ayaw sumulat

pagkat puso’y ayaw mag

wikang tunay na kalagayan nitong kawawang bansa.

buksan ang mga mata,

makinig ang binging tenga,

amuyin ang lansa ng maruming pulitika

at isigaw ang masidhing paglaya.

ipahayag sa mundo ang katotohanan,

tayo’y bansa na nagdurusa,

piniit sa sa sariling bayan

at punyal ng kababayan ang kumitil sa buhay ng mamamayan.

-----------------------------------------------------------------------------------

gumising ka sa katotohanan, nahihibang ka na ba?