akoy may natanggap na Hinaing mula sa taong may problema ukol sa Birth Certificate ng kanyang Asawa.. Sino nga ba ang dapat sisihin? ang mismong NSO sa naturang probinsya o ang di agarang pagasikaso rito.. hindi lamang yun ang hinaing, kundi ang pagbibigay ng pangako ng mga palatuntunan sa telebisyong nagbibigay advice "KUNO" sa mga taong ayaw na gumastos ng malaki para nang sa ganoon e makatok naman ang mismong ahensya ng gobyerno (NSO-National Statistics Office, MIMAROPA) akoy nagpasyang pakinggang ang kanilang hinaing ukol sa problemang ito pati na rin sa panggagong ginagawa ng mga palabas sa telebisyong nagsasabing sila'y tutulong ng walang hinihinging kapalit..
Mga Mayo nang makipagugnayan ang ating complainant sa Opisina ng NSo upang makuha ang Birth Certificate ng kanyang asawa.. ating pagmasdan ang kawalang hiyaang Isinagot ng mga mandorobong tauhan sa ahensiyang ito..
NSO officer: sori ma'am pero hindi na namen pananagutan ang anu mang kawalan ng datus at mga papeles sa opisina namen, kuung inasikaso nyo pa lamang ho yan dati pa lang.. hindi ho tayo ngaun namomroblema..
-Ang tanong.. bakit ganito ang isinagot ng officer na dapat e nakipagugnayan muna sa ibang opisina ng kanilang ahensya.. pangalawa, bakit mawawala ang papeles, sa aking pagkakaalam.. ang bawat taong nasasasakupan ng demokratikong bansa na ito ay may kanyang papeles na nakareserba sa mismong ahensya.. Dumating sa punto na mismong kamag-anak na mismo ng complainant ang personal na nagasikaso sa probinsyang iyon.. pero pilit namang nagmatigas ang mga mandorobo at walang awang pilit na nagmamaktol na di mo alam kung nagpapataba ng tyan at tutulogtulog lang sa kanilang mga lamesa sa kanilang opisina..
Eto na nga, Dumating na sa puntong kinailangan nang magreklamo at magsampa ng kaso at xempre manghingi ng advice sa abugado kasabay ng pagsasampa ng kaso sa regional trial court.. Ang complainant ay may nakitang Advertisement sa telebisyon Channel 4.. palatuntunang meron din sa radyo DZRH.. (Hindi ko na kailangang sabihin ang pangalan ng mismong abugado)
Nitong nakaraang buwan ng Oktubre saktong ikatlong tatlong linggo ng buwan.. sila'y nakipagugnayan sa mismong palatuntunan.. nagpunta sila ng alas-9 ng gabi sa kadahilanang 11:30 magrerecord ang naturang palabas.. nandun din syempre si attourney.. di naman sila nabigyan ng konkretong advice sapagkat ahaw na konting papogi lang yun at pagbibigay lang ng konting payo ang magagawa ng abugado sa konting panahong ieere ang palabas sa telebisyon.
sinabi nalang ng abugado na "Pumunta at bumalik sa kanyang opisina upang makausap ng masinsinan ang nasabing problema..
Nitong nakaraang araw. ang complainant ay nagbalik sa opisina ng abugado sa may Quezon City.. Nakipagugnayan sya sa secretary at tila sya at ako RIN MISMO ay nagulatntang sa kaniyang binalita at nireport sakin.. ang kanilang opisina daw ay may bayad ang paghingi ng advice at xempre hindi natin maiiwasan ang proffessionals fee. "Ito ba ang serbisyong totoo na sinasabi ng programa pag ineere sa telebisyon??
Ito ba ang sinasabi rin ng programa para makaakit ng manonood sa T.V??
Ito ba ang sinasabi ng tao na takbuhan ng nangangailangan dahil sa "LIBRE DAW NA SERBISYONG BINIBIGAY NG ABUGADO??? na manghihingi ng acceptance fee na 30-50tousand pesos??? na sa Public Attourneys Office e makukuha sa 18-20K???
ganyan ba talaga magpaasa ng mga tao na para kumita e ginagamit ang pesteng palabas na ahaw lang ang binabahagi sa manonood!?? sana alam nyo yan.. at sana wag nyong ipamuka sa tao na LIBre ANG SERBISYO NYO SA MGA TAO!
hanggang ngayon eh nakikipagugnayan na ang complainant sa Public Attourney's Office (PAO) para maikasa na ang mga darating na hiring..
storya mula kay jof at mga nakaugnay na tao sa storya.. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
grabe naman nanyari dyan, sana may pag asa pa ang bayan |Playgroup Singapore
ReplyDeleteAdmin, if not okay please remove!
ReplyDeleteOur facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.
www.teespring.com/prostate-cancer-research
Thanks