maraming bagay na ang aking nagagawa
ngunit ang isang tula ay hindi ko magawa
pagkat puso ko’y tigib ng luha
at pagkatao ko’y dinayukdok ng dusa.inihagod ko na ang tinta,
sa papel na walang bahid dusta
pero bakit ayaw pa rin lumaya
ng damdaming nais lumigaya.
a, alam ko na,
kamay ay ayaw sumulat
pagkat puso’y ayaw mag
wikang tunay na kalagayan nitong kawawang bansa.
buksan ang mga mata,
makinig ang binging tenga,
amuyin ang lansa ng maruming pulitika
at isigaw ang masidhing paglaya.
ipahayag sa mundo ang katotohanan,
tayo’y bansa na nagdurusa,
piniit sa sa sariling bayan
at punyal ng kababayan ang kumitil sa buhay ng mamamayan.
-----------------------------------------------------------------------------------
gumising ka sa katotohanan, nahihibang ka na ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sayaw, sayaw, sayaw sa bubog...
ReplyDeleteoh nice, puppet ka rin b |Playgroup Singapore
ReplyDelete