sa pag akyat ko sa kabundukan ng batangas.. nakausap ko ang mga matatandang may sakit.. at hikaos sa buhay.. gusto nilang bumaba ng kabundukan sa kahadilanang gusto nilang magkaroon at madampian ng kakaonting awa ng pamahalaan.. pero sa takot nila na silay mapagbintangan na mga NPA at isalvage sila.. silay nanatili na lamang sa liblib na lugar at meron konting poot sa puso..
yun ba ang tinatawag mong pagmamahal ng mga militar sa mga rural na lugar at mga tao sa nasasakupan ng naturang lugar? kahit mga matatandang babae at mga kabataan di pinapatawag ng kapalpakan ng militar..
nagkaroon ng salo-salo, fiesta at ng sari-saring mga medical mission sa nayon. Nais ng mga kaawa-awang mga pobre sa liblib na kagubatan ng bundok na bumaba para makatikim ng grasya.. pero nanjan ang panganib ng mga berdugong mga militar para silay harangin..
ang tanong? tama ba ang pinapakitang pwersa nila at panghaharang? tama nga ba ang ginagawang diskriminasyon? tama ba ang pagpatay kahit na wala silang alam at naipit lamang sila sa mga unos na nagaganap?
kung ang mga kabataan ay umaakyat ng kabundukan o yung tinatawag ng mga militar na institusyon at pagbibigay kaisipan ng mga rebelde.. tatanungin ko ang side ng militar.. sino ba ang totoong recruiter??? ang mga prenteng organisasyon na ang sandata ay boses at mga flag na winawagayway at mga sigaw na huni ng demokrasya o sadyang nakikita lang ng mga kabataan ang mga kamaliang pinaggagawa ng mga TUTANG BERDUGO NG GOBYERNO?
buti pa ang tulad ko, tumutulong sa mga katulad nila,, buti pa ako, isinasapuso ang pinaggagawa.. di tulad ng mga stupidong gahaman sa ranko.. naguunahan, naguunahan san? sa pagpapagwapo, pagkakapromote.. napunta nga sila ng mga baryo. pero para mangaral. gamit ang mga matatamis na mga pananalita.. pananalitang sadyang malayo sa realidad.. nu nga bang magagawa natin kung ang mga kaisipan na yun e galing sa mga utak talangka nila? OO sa simula nabbrainwash nila ang mga kabataan at pamayanang napupuntahan nila, pero sa huli,, itoy nagigising, namumulat at nasisilaw sa realidad ng buhay.. pagkakamtan ng kalayaan.. at sa oras na nangyari un..
ANO NA ANG SUSUNOD??
eto silang mga militar.. hahayaang pinapaakyat ang mga kaawa-awang mga maralita sa kanilang prinsipyo at hinahayaan itong maniwala sa sariling paniniwala.. pero sa oras na tumalikod ang mga maralita.. pilit itong tinututukan ng ARMAS. AT HANGGANG SA DUMANAK ANG DUGO NA DUMALOY SA damuhan at berdeng mga halaman.. sino ang lalabas na terorista? sino ang lalabas na mamamatay tao?? mga taong nasa taas ng bundok..ang dahilan e pinatay daw ang kasamahan dahil sa itoy traydor daw at anay sa samahan.. pero.. sino nga ba ang totoong mga TERORISTA? ang mga taong gusto ay pagbabago lamang? at baguhin ang paniniwala ng maraming taong naiiba ng landas tungo sa ilalim ng buwayang sistema, mga militar na ang prinsipyo e "patayin ang mga taong nagaalis ng mga buhanging nagtatabon sa demokrasya?" o yung mga taong may propaganda mula sa panulat at gumagamit ng mapayapang pamamaraan.. di natin sila masisisi..
"Erning ihanda mo na ang armas lalaban na tayo, sobra na tama na"
simpleng mga salita.. pero napakalim ng ibigsabihin..
yun lamang ho.. geh
Sunday, July 12, 2009
Pandarahas ng mga Militar sa mga kabataan at matatanda mula sa rural na komunidad
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment