Thursday, July 23, 2009
The WTF Blanket (Blanket ng Masa)
maraming salamat ho ka Nutanyel Vargas para sa pagmumulat ng aking isipan sa totoong Blanket ng Masa.. XD
Monday, July 20, 2009
Ang Tunay na Pagbabago
Isang mapagpalayang pagbati sa inyong lahat!
Batid natin ang kahirapan sa ating bansa kasama pa dito ang mapaniil at bulok na sistema ng gobyerno. Marami ng bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mabigyan tayo ng anyo bilang mga Pilipino ngunit masakit isipin na tayo ay watak-watak at walang pagkakaisa. Tayo’y nakabigkis sa isang tanikala na animoy sinusunggaban ang ating paghinga at mamamatay ng walang pakinabang.
Ang masang Pilipino ay patuloy na naghihirap dahil sa kakulangan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya na patuloy na umuusbong sa dakong Silangan. Matatalino ang ating lahi ngunit sino ang nakikinabang? Ang isang enhinyero na kulang sa sahod ay mapipilitang iwanan ang lupang tinubuan upang kumita ng salapi sa ibang bansa. Kasama sa pag-angat ng piso kontra dolyar ang pagkawala ng mga matitinong propesyonal. Dapat nga sanang pakinabangan ng masa ang pang-angat ng piso ngunit nakakalumong isipin na ito’y napupunta sa bulsa ng mga buwaya sa gobyerno. Tumataas daw ang antas ng ekonomiya ngunit kabaliktaran ang nangyayari sa lipunan. Pasakit sa mga mamayanan lalo na sa mga ordinaryong manggagawa. Karamihan sa mga propesyonal ay lilisanin ang Pilipinas upang mabuhay na may karangyaan sa ibang bansa. Saan ka ba naman nakakita ng bansa na ang doktor ay nag-aaral ng Nursing upang mangibang bansa? Ang isang abogado ay nagagamit upang ipagtanggol ang kabuktutan.
Ilang dekada pa ba ang matitira upang ang lugmok na bayang Pilipinas ay tuluyan ng mabura sa mapa o tuluyang mawala sa katinuan? Patuloy ang away-pulitika. Maraming naghahangad na mapunta sa kongreso o sa senado na wala namang kaalaman. Ano ang gagawin sa kongreso o sa senado? Hindi nga alam gumawa ng batas pero matapang ang loob upang magsilbi daw sa bayan. Tama nga si Dr. Jose Rizal na hindi sapat ang edukasyon upang magtagumpay, bagkus ay kung paano gamitin ang edukasyon upang magtagumpay. Ilang bayani pa ba sa atin ang magsasabi na tayo ay kailangan magkaisa at turuan ang ating lahi sa pagiging tunay na Pilipino?
Simulan natin ang pagbabago mula sa ating sarili at sa ating pamilya. Ituro natin ang tamang pamamaraan ng paggalang, ang pagpapahalaga sa edukasyon at pagmamahal sa Inang bayan. Kasama dito ang disiplina bilang isang mamamayan. Maraming mahihirap na kung kumalam ang sikmura ay nagnanakaw at sisihin ang gobyerno sa kanilang kahirapan. Ang mga ganid na mayayaman ay dapat makonsensya at magbago na. Mas makatwiran ang magpakain ng tao kaysa sa alagang hayop. Ipairal ang pagmamahal sa kapwa. Ang mga kapilatista na patuloy na namamayagpag sa pagyaman ay supilin na. Hindi pantay-pantay na pamumuhay ang kailangan para sa ating bansa na katulad ng isinisigaw ng mga kumyunista. Kailangan ang pagkakaisa, disiplina at pagmamahalan. Ang mga pulubi na hawak ng sindikato ay karapat-dapat na matigil. Kung ikaw ay isang pulis o militar, ipairal ang batas upang ang bulok na sistema ng bayan ay tumino at magbago na. Ang mga kurakot at mga buwaya sa gobyerno ay bigyan ng matinding parusa na kung kinakailangan ay kitlin ang buhay. Kung ang mismong namumuno ang syang dahilan ng pagkalugmok ng bayan, tayo’y magkaisa upang pangunahan ang tunay na pagbabago.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ang pagpatay ay mahigpit na ipagbabawal sa kautusan ng Diyos. Ngunit sa kasaysayan, ang digmaan ng kabutihan laban sa kasamahan ay nagbuwis ng buhay. Kung ikaw ay isang Kristiyano, mahalin mo ang iyong kapwa at iyong kaaway ayun sa turo ni Jesus. Kung ikaw ay isang Muslim, ang pagpapahalaga sa turo ng Q’uran at aral ni Propeta Muhammad ay iyong sundin. Gaya ng pagpapahalaga sa kapwa at pagmamahal sa kabutihan ang magdudulot ng kapayapaan. Ang Islam ay nagtuturo ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Tayo’y magkaisa para sa isang tunay na pagbabago. Simulan natin sa ating sarili at sa ating pamilya. Maging edukado na may dangal, negosyo at kabutihan sa kapwa.
Gumising tayo kabayan para sa makabuluhang pagbabago ng Pilipinas. Iangat natin ang ating lahi bilang magigiting at matatalinong mga Pilipino. Mula sa ating sarili ay bigyan nating ang pagpapahala ang Inang Bayan. Ang ating gobyerno na puno ng kabuktuan ay dapat magkaroon ng sistema. Maglaan ng salapi at makapagpatayo ng negosyo na magbibigay ng marangal na hanapbuhay sa bawat mamayang Pilipino. Kung ang bawat mamamayan ay may hanapbuhay, sariling tirahan at hindi kapos sa pagkain, bababa ang krimen at mga suliranin ng bansa. Kaming mga OFW ay babalik sa ating bansa upang maglaan ng salapi para sa pag-angat ng bansang Pilipinas. Magtulong-tulong tayo na mabigyan ng sapat na edukasyon ang ating mga anak, kapatid o kababayan. Pagmamahal sa bansa, sa sarili at sa kapwa ang ating pairalin at hindi inggit o pagkamuhi.
Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili dahil mula sa ating sarili magmumula ang pagbabago ng ating bansang Pilipinas.
mga f*ck lang.. este facts XD
In quantum mechanics, these dynamical variables become operators acting on a Hilbert space of quantum states. The Poisson brackets are replaced by commutators, [q,p] = qp-pq = 1. This readily yields up the uncertainty principle in the form ΔpΔq #8805; 1. This algebraic structure corresponds to a generalization of the canonical structure of classical mechanics.
The states of a quantum system can be labelled by the eigenvalues of any operator. For example, one may write x> for a state which is an eigenvector of q with eigenvalue x. Notationally
Alpha Radiation is the emission of an alpha particle from an atom's nucleus. An a particle contains 2 protons and 2 neutrons (and is similar to a He nucleus ). When an atom emits an alpha particle, the atom's atomic mass will decrease by 4 units and the atomic number will decrease by 2 units. Beta Radiation is the transmutation of a neutron into a proton and electron (followed by the emission of the electron from the atom's nucleus ).When an atom emits a beta particle, the atom's mass will not change (since there is no change in the total number of nuclear particles), however the atomic number will increase by 1 (bcoz the neutron transmutated into an additional proton).Gamma Radiation involves the emission of electromagnetic energy (similar to light energy) from an atom's nucleus. No particles are emitted during gamma radiation, and thus gamma radiation does not itself cause the transmutation of atoms, however gamma radiation is often emitted during alpha and beta radioactive decay
Classically, Euclidean geometry was focused on Compass and straightedge constructions. In modern times, geometric concepts have been extended. Geometry now uses methods of calculus and abstract algebra, so that many modern branches of the field are not easily recognizable as the descendants of early geometry.
early geometry.Fellowcrafts receive several admonitions and exhortations regarding the sciences of geometry and astronomy, and many an initiate has wondered just how far his duty should carry him in undertaking anew the study of branches of mathematics which are associated in his mind with much troubled effort in school days.
While some mathematically-minded men may find the same joy in the study of lines, angles, surfaces, spheres and measurements, which the musician obtains from his notes, the painter from his perspective and colors and the poet from his meter and rhymes, comparatively few brethren rejoice in the study of the mathematically abstruse.
Suicide Nation
First, you decide that your neighbour is not human,
Worthy only of your contempt.
Having succesfully dehumanised your brother,
You then exclude him from jobs and self-respect,
Stripping his dignity to the raw-bloodied bone.
Next, you go hard - not soft -
And resist his inevitable reaction,
Tightening down the screws,
Destroying all that he believes in,
Showing - in every way -
Your superiority.
Now you realise that you have unleashed a whirlwind,
And are too shame-faced and bolshy to back down.
In your stupidity you must go forever forwards,
Destroying all that is importantFor the sake of your own self-image.
As your soul begins to corrode
Your voice gets ever shriller
And your self-justification ever louder.
Your brother is now causing all your pain,
And therefore it is your brother's fault,
And nothing to do with you.
As you descend into self-contempt
And a louder, brasher outside that hides
The trembling, fearful inside
You elect a hard-faced mass murderer
Who will hide your shame in simple certainties
And loud, heroic deeds.
Now you must destroy, destroy, destroy,
Because there is no backing down from your hardness
Which is your certainty
Which is all that you have left
In an uncertain world.
First you destroy the infrastructure of your brother's land,
So that he must look to you - with loathing -
For jobs and food,
And this in turn feeds your utter contempt.
Then you murder -
Loudly proclaiming your 'war on terrorism' -
All the minor leaders in your brother's government,
Thinking that this will destroy your brother,
When all it does is make every individual
Their own leader.
Finally you destroy all your brother's law-enforcement apparatus,
Thinking this will render him impotent,
When all it does is render you impotent,
For now you have a lawless
Leaderless
Angry mob
With nothing left to lose
Looking down the long barrels of your guns.
Unsurprisingly, your actions have now driven hatred
Deeper
Into the heart of your brother and his family,
And you must now reap
What you have sown.
You can now murder your way
Through every one of your brother's family,
His close friends,
And then his friends across the water -
Or you can sit down and reason.
Unfortunately your leader is beyond reason,
Which is why you elected him (For his moral certainty)
And he would rather destroy his own nation and the world
Than lose face.
Your suicide is nearly complete.
It awaits only the actions of one maddened general,
And then it will be done.
Proposed Income Tax for OFW
The government should tax income remittances from overseas Filipino workers (OFWs) and use the proceeds to shore up the productivity of workers left behind, a study by De La Salle University's business and economics experts has proposed.The research, titled "The Economic Impacts of International Migration: A Case Study on the Philippines," written by Tereso Tullao, Michael Angelo Cortez and Edward See, said: "The possibility of increasing and internalizing the cost of international migration may be considered to reduce the economic ills it has generated. Such a move can arrest the possible hollowing effects on industries and mitigate the loss in international competition."The study suggested that these same remittance incomes pouring into the country had nurtured dependence, contributed indirectly to the contraction of industries and developed a culture of migration among Filipinos.One way of compensating the country for the loss of migrants who attended government-funded state universities and colleges, the study said, would be to oblige them to compensate for the cost of their education."Another option is to impose some form of exit tax on migrating workers like nurses whose massive exit has affected nursing education as well as the health sector of the country," said the study, which was presented during a recent international forum on labor migration conducted by the National Economic and Development Authority.It acknowledged that the huge amount of remittances sent by OFWs as captured in official central bank statistics and a substantial amount unaccounted for that flows through the various informal channels had contributed significantly to the growth and stability of the national economy in recent years. But instead of alleviating unemployment, it argued that international migration has reduced the demand and supply of labor."International migration has increased the reservation wage of individuals coming from households with remittance income," the research said.The study also said that temporary overseas employment had the potential of depressing domestic industries and contracting employment similar to the consequence of the "Dutch disease," referring to a situation in which dependence on a natural resource could erode competitiveness."The phenomenon of international migration, more particularly, temporary overseas employment, has also reduced self-reliance among individual members of the households. This has been shown in the long-term consumption pattern of households," the research said.It added that the reduced labor force participation of family members with remittance income can be interpreted as another manifestation of dependence.
Friday, July 17, 2009
ITAKWIL ANG MGA ILUSYON AT MISTIPIKASYON!
Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.
Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng "pagkakaisa" at "pagsantabi ng pamumulitika" para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.
Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng "pagbabago ng sistema", "sosyalismo", "demokrasyang bayan" o "gobyernong bayan". Ang komon na linya ng iba't-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido "komunista".
Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.
Marxistang Paninindigan
Kailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.
Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado - ito man ay demokratiko o "sosyalista" - sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.
Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka - ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.
Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa - direkta o indirekta, estratehiko o taktikal - sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang "anti-imperyalistang" pambansang burgesya.
Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.
Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.
Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay "diktadura", "demokratiko" o "sosyalista". Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.
Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.
Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!
Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid - ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo - para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo - internasyonalismo.
MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO,
MAGKAISA!IBAGSAK ANG ESTADONG KAPITALISTA!
IBAGSAK ANG ‘SARILING' PAMBANSANG BURGESYA!
link: http://tl.internationalism.org/node/93
Tuesday, July 14, 2009
Usaping Cha-Cha: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa
May halaga ba sa ordinaryong manggagawa ang Saligang Batas ng mga Kapitalista?
Iisa lamang ang pinakita ng garapalang pagpasa ng HR 11093: isang rubber-stamp ang parliyamento at ang may hawak ng absolutong kapangyarihan ay ang ehekutibo. Hindi lang ito katangian ng rehimeng Arroyo kundi katangian ng LAHAT ng mga rehimeng kapitalista, hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga bansa. Ganito na ang katangian ng estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.Nahubaran ang demokrasya (ie, “pangingibabaw ng mayorya”). Nalantad ang kanyang tunay na anyo: isang tipo ng diktadura ng naghaharing uri. Isang mapanlinlang na anyo ng kapitalismo ng estado.Ang saligang batas ng estado ay walang saysay sa masang manggagawa. ito man ay ang 1987 Konstitusyon o isang bagong Konstitusyon. Ito man ay sa paraang Con-Ass o Concon4. Ang Konstitusyon ng kapitalistang sistema ay para IPAGTANGGOL ang mapagsamantalang kaayusan.Gumawa ng Konstitusyon ang naghaharing uri upang pasunurin nito ang mga pinagsamantalahang uri sa kagustuhan ng una. At ang sinumang lalabag ay parurusahan.Sa loob ng mahigit 20 taon na pag-iral ng 1987 Konstitusyon ay lalong naghirap, inapi at pinagsamantalahan ang manggagawang Pilipino. Ang Konstitusyon na ginawa ng mapagsamantalang uri 20 taon na ang nakaraan ay para ipagtanggol ang bulok na sistema.Kung iniisip man ng naghaharing paksyon na baguhin ang kanilang sariling saligang batas, ito ay walang ibang layunin kundi mas patindihin pa ang pagsasamantala at pang-aapi sa masang anakpawis; mas palakasin pa ang kapangyarihan ng estado na ang tanging papel ay pasunurin ang populasyon at supilin ang mga lumalaban.Ang usapin ng pananatili sa luma o paggawa ng bagong Konstitusyon ay interes ng burgesya hindi ng uring manggagawa. Ang nasa likod ng usaping pagbabago sa burges na KonstitusyonHindi term extension ni Gloria5 ang pangunahing dahilan kung bakit nagmamadali ang administrasyon na baguhin ang Konstitusyon. Ang pangunahing dahilan ay kailangan ng buong naghaharing uri (hindi lang ng paksyong Arroyo) na “i-angkop” ang mga batas ng estado para maproteksyunan ang pambansang kapitalismo na binabayo ng krisis bunga ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo. Kailangan ng burgesyang Pilipino na maungusan ang ibang bansa sa paghahanap ng pamilihan sa pandaigdigang antas; isang pandaigdigang pamilihan na lalupang kumikipot sa pagdaan ng mga araw. Dahil atrasado ang kapitalismo sa bansa (at hindi na ito maging abante pa gaya ng kahibangan ng paksyong Arroyo) kailangan ng pambansang kapitalismo ang “tulong” ng dayuhang kapital (na siya namang ninanais ng ibang atrasadong mga bansa na karibal ng Pilipinas).Kung may nag-iisip man ng term extension ni Gloria (president o prime minister), ito ay ang kanyang mga sagad-saring alagad na lamang. Pero hindi ang buong naghaharing uri dahil para sa kanila, isa ng liability si Gloria sa kanilang paghahari. Katunayan, may mapagpipilian na ang naghaharing uri sa loob ng burges na oposisyon para uupo sa Malakanyang (Roxas, Villar, Lacson, Legarda, Escudero, etc). Kung sino man siya, ito ay walang halaga sa masang mahihirap dahil alam ng huli na ibayong kahirapan lamang ang mararanasan nito anumang paksyon ng burgesya ang uupo sa kapangyarihan.Kung hindi man magtagumpay ang pagbabago ng Konstitusyon ngayon, tiyak na isa ito sa pangunahing agenda ng bagong uupo sa Malakanyang sa 2010, siya man ay galing sa administrasyon o oposisyon.
Kampanya ng oposisyon at Kaliwa kontra Con-Ass
Gaya ng nasabi namin sa itaas, walang halaga sa manggagawa kung baguhin o hindi ang saligang batas ng uring kapitalista dahil hindi naman ito makauring laban nila kundi ng iba’t-ibang paksyon ng kanilang makauring kaaway.Pero nais hatakin ng oposisyon at Kaliwa ang masang manggagawa sa labanan ng kanilang kaaway. Nais ng una na sumali at kumampi ang huli sa isang paksyon ng burgesya. Ito ay kontra-rebolusyonaryong taktika at mapanghati sa uring manggagawa.Malinaw naman ang nais ng oposisyon at Kaliwa: wala silang tutol na baguhin ang kanilang Konstitusyon. Ang nais nila ay sila muna ang nasa kapangyarihan bago ito baguhin. Bakit? Dahil gusto nilang tiyakin na ang kanilang paksyon ang magpapasasa sa pagsasamantala sa masang anakpawis at hindi ang kanilang mga karibal.Ito ang nasa likod ng kanilang kampanyang “kontra Cha-Cha/Con-Ass”. Ang kabilang mukha naman ng kampanyang ito ay ipagtanggol ang maka-kapitalistang 1987 Konstitusyon.Gamit ang radikal na mga lenggwahe at “demokratikong” kahilingan (“Concon hindi Con-Ass”, “Baguhin ang Konstitusyon matapos ang eleksyon sa 2010”, etc), nagsisilbi ito sa kagustuhan ng buong naghaharing uri na maging kapani-paniwala ang eleksyon sa 2010 sa pamamagitan ng paghila sa mas maraming mamamayan laluna sa manggagawa at kabataan na lumahok sa burges na halalan.Ang propagandang term extension ni GMA at hindi matutuloy ang 2010 eleksyon ay gayuma para kabigin ang malawak na diskontentong populasyon na “makibaka” para matuloy ang eleksyon sa 2010 at lumahok sa moro-morong ito. Ang ikinatatakot ng buong naghaharing uri ay kung mawalan ng tiwala ang masang pinagsamantalahan sa eleksyon at mabilis itong mamulat sa rebolusyon. Ito ang pinipigilan ng lahat ng paksyon ng burgesya sa Pilipinas – Kanan man o Kaliwa.Dagdag pa, kasabay ng kampanyang “kontra Cha-Cha” ng Kaliwa ay ang panawagan sa mamamayan na magtiwala sa “demokratikong” katangian ng estado sa halip na ibagsak ito. Sa likod ng linyang “anti-demokratiko” ang kasalukuyang estado ay nanawagan sila na itayo ang demokratikong gobyerno. Ang panawagang “sa halip pagkaabalahan ang pagbabago sa Konstitusyon, dapat ang isabatas ay CARPER, GARB, etc” ay naaayon sa linyang “magtiwala sa parliyamento basta sabayan ito ng presyur mula sa baba”.Radikal na lenggwahe, repormista sa esensya. Ang papel ng kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito ay ipagtanggol ang naaagnas na bulok na sistema. Imposible na itong repormahin pa. Ang kailangan ay ibagsak ito!
Sigaw ng masang manggagawa: Wakasan ang pagsasamantala!
Hindi mawakasan ang pagsasamantala sa pananatili o pagbabago sa kapitalistang 1987 Konstitusyon. Hindi ito ang larangan ng pakikibaka ng uri. Hindi lalaya ang uri kung ang uupo sa Malakanyang ay mula sa kasalukuyang administrasyon, oposisyon o kahit “independyente”. Bagkus, mas hihigpit pa ang kadena ng pang-aalipin.Ang daan tungo sa makauring kalayaan ay ang pakikibaka ng uri para sa kanyang mga kahilingan laban sa mga atake ng kapital; mga kahilingan na araw-araw mismong naranasan ng uri sa loob ng kanyang pagawaan – ang pagsasamantala at pang-aabuso ng uring kapitalista. Hindi ipagtatanggol ng anumang saligang batas ng estado ang makauring interes ng proletaryado at iba pang aping sektor ng lipunan. Ang tanging magtatanggol sa uri ay ang uri mismo. Ito ay wala sa loob ng gobyerno at bulwagan ng parliyamento kundi sa labas – sa lansangan. Mga pakikibaka mula sa depensiba tungo sa rebolusyonaryong opensiba para ibagsak ang estado at mga institusyon nito. Mga labanan na ang direksyon ay itayo ang kapangyarihan ng manggagawa – ang diktadura ng proletaryado.Cha-Cha o kontra Cha-Cha, Con-Ass o Concon: hindi ito laban ng manggagawa. Ang laban ng manggagawa ay wakasan ang pagsasamantala.
(1)Cha-Cha – Charter Change(2)Con-Ass – Constituent Assembly(3)House Resolution 1109(4)Con-Con – Constitutional Convention(5)Gloria Macapagal Arroyo – current president of the Philippines
link: http://tl.internationalism.org/node/98
Makiisa tayong lahat tungo sa pagbabago.. Magtulungan para sa Pilipinas
ito na ang minimithi ng bawat mamamayang pilipino.. minimithi ng bawat isa sa ating bayan, isang mabisang proseso tungo sa pagbabago ng ating pinakamamahal na bansa sa ilalim ng parang Utak Diktador at pasistang gobyerno at sa walng kwentang pamumuno ng napakawalang hiyang presidente na si Gloria Macapagal arroyo..
tayo ay magkaisa, makibahagi at makielam sa pagsasaayos, sa pagbabago ng gobyernong ito.Isulong natin ang pinaglalaban ng magsasaka ng masa laban sa may nagmamayari ng lupa
"I have witnessed the tremendous energy of the masses. On this foundation it is possible to accomplish any task whatsoever." -mao zedong
SAY NO TO CHA-CHA
Monday, July 13, 2009
It's All About Sir Nocanor Perlas
Sunday, July 12, 2009
Pandarahas ng mga Militar sa mga kabataan at matatanda mula sa rural na komunidad
sa pag akyat ko sa kabundukan ng batangas.. nakausap ko ang mga matatandang may sakit.. at hikaos sa buhay.. gusto nilang bumaba ng kabundukan sa kahadilanang gusto nilang magkaroon at madampian ng kakaonting awa ng pamahalaan.. pero sa takot nila na silay mapagbintangan na mga NPA at isalvage sila.. silay nanatili na lamang sa liblib na lugar at meron konting poot sa puso..
yun ba ang tinatawag mong pagmamahal ng mga militar sa mga rural na lugar at mga tao sa nasasakupan ng naturang lugar? kahit mga matatandang babae at mga kabataan di pinapatawag ng kapalpakan ng militar..
nagkaroon ng salo-salo, fiesta at ng sari-saring mga medical mission sa nayon. Nais ng mga kaawa-awang mga pobre sa liblib na kagubatan ng bundok na bumaba para makatikim ng grasya.. pero nanjan ang panganib ng mga berdugong mga militar para silay harangin..
ang tanong? tama ba ang pinapakitang pwersa nila at panghaharang? tama nga ba ang ginagawang diskriminasyon? tama ba ang pagpatay kahit na wala silang alam at naipit lamang sila sa mga unos na nagaganap?
kung ang mga kabataan ay umaakyat ng kabundukan o yung tinatawag ng mga militar na institusyon at pagbibigay kaisipan ng mga rebelde.. tatanungin ko ang side ng militar.. sino ba ang totoong recruiter??? ang mga prenteng organisasyon na ang sandata ay boses at mga flag na winawagayway at mga sigaw na huni ng demokrasya o sadyang nakikita lang ng mga kabataan ang mga kamaliang pinaggagawa ng mga TUTANG BERDUGO NG GOBYERNO?
buti pa ang tulad ko, tumutulong sa mga katulad nila,, buti pa ako, isinasapuso ang pinaggagawa.. di tulad ng mga stupidong gahaman sa ranko.. naguunahan, naguunahan san? sa pagpapagwapo, pagkakapromote.. napunta nga sila ng mga baryo. pero para mangaral. gamit ang mga matatamis na mga pananalita.. pananalitang sadyang malayo sa realidad.. nu nga bang magagawa natin kung ang mga kaisipan na yun e galing sa mga utak talangka nila? OO sa simula nabbrainwash nila ang mga kabataan at pamayanang napupuntahan nila, pero sa huli,, itoy nagigising, namumulat at nasisilaw sa realidad ng buhay.. pagkakamtan ng kalayaan.. at sa oras na nangyari un..
ANO NA ANG SUSUNOD??
eto silang mga militar.. hahayaang pinapaakyat ang mga kaawa-awang mga maralita sa kanilang prinsipyo at hinahayaan itong maniwala sa sariling paniniwala.. pero sa oras na tumalikod ang mga maralita.. pilit itong tinututukan ng ARMAS. AT HANGGANG SA DUMANAK ANG DUGO NA DUMALOY SA damuhan at berdeng mga halaman.. sino ang lalabas na terorista? sino ang lalabas na mamamatay tao?? mga taong nasa taas ng bundok..ang dahilan e pinatay daw ang kasamahan dahil sa itoy traydor daw at anay sa samahan.. pero.. sino nga ba ang totoong mga TERORISTA? ang mga taong gusto ay pagbabago lamang? at baguhin ang paniniwala ng maraming taong naiiba ng landas tungo sa ilalim ng buwayang sistema, mga militar na ang prinsipyo e "patayin ang mga taong nagaalis ng mga buhanging nagtatabon sa demokrasya?" o yung mga taong may propaganda mula sa panulat at gumagamit ng mapayapang pamamaraan.. di natin sila masisisi..
"Erning ihanda mo na ang armas lalaban na tayo, sobra na tama na"
simpleng mga salita.. pero napakalim ng ibigsabihin..
yun lamang ho.. geh
Quotes?
“Let a hundred flowers bloom.” - Mao Zedong
“An army without culture is a dull-witted army, and a dull-witted army cannot defeat the enemy.” - Mao Zedong
“You say, away with you Communists; we say, away with you imperialists.” - Mao Zedong
"The more corrupt the state, the more laws.”
"When I gave food to the poor, they called me a saint. When I asked why the poor were hungry, they called me a communist.”
"For I don't care too much for money, / For money can't buy me love.” - John Lennon
"A man who is not a communist at the age of twenty is a fool. Any man who is still communist at the age of thirty is an even bigger one.”
"Ancient Rome declined because it had a Senate, now what's going to happen to us with both a House and a Senate? "
"Democracy is the art and science of running the circus from the monkey cage. "
"Economics is extremely useful as a form of employment for economists. "
"Here is my first principle of foreign policy: good government at home. "
"Democracy forever teases us with the contrast between its ideals and its realities, between its heroic possibilities and its sorry achievements."
"It is not the fact of liberty but the way in which liberty is exercised that ultimately determines whether liberty itself survives."
"Despair is typical of those who do not understand the causes of evil, see no way out, and are incapable of struggle. The modern industrial proletariat does not belong to the category of such classes. " - Vladimir Lenin
"Freedom in capitalist society always remains about the same as it was in ancient Greek republics: Freedom for slave owners. " - Vladimir Lenin
"Let a hundred Flowers Bloom" - Mao Zedong
"To Read too many books is harmful"